Thursday, September 15, 2016

PART 3: FUNDAMENTAL ANALYSIS(FA) and TECHNICAL ANALYSIS(TA)


Basics of FA and TA

These two are the life of trading, dito lahat nagbabase ang mga traders, both of them try to forecast or predict future price action/trend.
In basic terms technical analysis is based on charts and 
fundamental analysis is based in financial statement of the company.

Fundamental Analysis (FA) - is a strategy where investors determine the value of a company through their financial statement(Balance Sheet, Cash Flow Statement at Income Statement) to forecast its future price/trend. Napaka broad neto kasi kasama na dito lahat ng mga bagay na merong effect sa company's present and futute business/financial statement.

Dito nagfofocus specially ang mga long term investors, tinitignan nila kung maganda at malakas ang financial statement nila even after 5,10, 20 or even 30years, considering the kind of products, tatangkilikin pa kaya yan after how many years? kumusta ang business performance? lumalakas ba ang income statement nila? may mga expansion ba sila? my mga bagong projects ba? ano ang ginagawa nila para matapatan ang mga competitors nila etc. Sa madaling sabi, kilalanin mong maigi ang company bago mo bilhin.
Ang mga short term investors naman, tinitignan nila ang mga news na merong immediate effect sa company. 

Please click the link below para makita nyo ang Company Information, Financial Reports, Company disclosure etc ng mga pag-iinvestan nyo

http://edge.pse.com.ph/companyPage/stockData.do?cmpy_id=29&security_id=146

Dito naman makikita ang mga disclosures at listing notices na lumalabas daily.

http://edge.pse.com.ph/

Kung daytrader ka o short term trader, napakahalagang updated ka sa mga news, kasi maraming news na may immediate effect sa price ng isang stock.
One example na alam ng lahat ay nung sinabi ni President Duterte na ipapasara nya ang online gaming dito sa Philippines, ang effect neto ay IMMEDIATE, kinaumagahan ng mismong araw ng paglabas ng news, sa openning palang ng market bumagsak lahat ng stocks na related sa mga online gaming. Alam mo ng iwasan mo sila at bantayan kung kelang marereverse naman ang news na yun dahil siguradong malaki ang kikitain mo once na nakapasok ka sa reversal ng badnews. 

Kung fulltime trader ka dapat daily before the market will open, during trading and after trading hours, you should always visit pse edge site para sa mga biglang lumalabas na news, nasa taas ang link ng pse edge. 
It is better din kung gawin mong regular ang pagvisit sa mga news site about business, wala ka gaanong time?silipin mo lang, sa business lang naman ang tinitignan natin. So click business lang at makikita mo naman sa title plang ng news kung related sa stock market or sa specific na hawak mo o nasa watchlist mo na stock. www.inquirer.net, www.mb.com.ph, www.philstar.com, www.businessmirror.com.ph, www.bworldonline.com, www.rappler.com, etc Mapupuno ito if I will name them all pero hindi ko naman sinasabi na ivisit mo lahat ang mga site na yan, mejo dinamihan ko lang kasi hindi pareparehas ang time ng paglabas nila ng news. 

For example nagkaroon ng rapid change sa price ng isang stock, pwedeng biglang tumaas o bumaba, bakit kaya? Bka naman nasa Fundamentals, nilabas ang quarterly report, massive increase/ decrease ang income, my bagong project, expansion ng business, bagong business partner, idedelist na etc etc andami ng mga yan. 

Ang mga big players, kabisado nila ang market psychology, may makita lang silang gawing catalyst nila, grinagrab nila yan. Kung alam mo yung news na dahilan ng pagtaas o pagbagsak, at least mababalanse mo kung pwede ka pang bumili o magbenta na sa stock na yun.

Learn how to deal with the news, it doesnt mean na everytime na may good news ay bibili ka na or the opposite.
May good news sa isang stock na hindi naman tumaas ang price, may bad news naman na hindi naman bumaba ang price. May mga good news na linalabas para makapang-akit ng mga buyers para maraming sasalo sa ibebenta nila.
Kaya HINDI pwede na magtrade ka na nagbabase 'ONLY' sa news.
Nanjan sila na napakaimportanteng 'REFERENCE' mo kung ano ang nangyayari sa isang stock. For example, biglang may bumagsak na stock, ilang days ng bumababa ang price, anong kayang nangyari? other indicators are telling you its a buy already. Hindi bat mas maganda kung aware ka kung ano ang nangyayari? Bibigyan ka nya ng hint kung bibili ka na o hindi pa.

Marami kasi ako nakikitang nagpopost sa group na pinapakita ang technical analysis nila na pwede ng sumalo o hold parin etc which is tama naman base sa technical analysis 'only'. Ang hindi nila alam may news pala na nagtritrigger sa price movement.
Dito mo mababalanse kung bibili ka o magbebenta kana.

In summary, kung bumaba o tumaas ang price, ang unang tanungin mo sa sarili mo ay "BAKIT?"


Tinacle ko lang ng konti ang importance ng Fundamentals lalo ang mga news pero lets focus sa technical analysis, kasi karamihan satin ay daytraders and short term traders.

Technical Analysis (TA) - is a trading tool na inaalize ang market action by using 'charts and incdicators' para maforecast/mapredict ang future price trends base sa present and past price action. 
Pinag-aaralan dito ang supply and demand, past and present trading datas and infos ng stock para maforecast kung saan direction pupunta ang price/trend. 

Dito magfofocus ang blog na to.

Chart and Indicators:
Lahat ng brokers ay my sariling chart at indicators. Kung wala ka pang account, meron free charting sites na maganda like  investagrams.com, staging.pse-tools.info, Investing.com etc

Click the link below:
https://www.investagrams.com/Account/Tools/Application/Chart

Click the link below:
http://www.staging.pse-tools.info/



Marami din nakakaalam sa investing.com pero bibihira ang nakakaalam sa kaya nyang gawin specially sa chart :) Maganda sya for study purposes. Hindi kasi sya real time, mejo malaki ang delay nya.

10 seconds lang sana itong instruction na to kung sa video ko gawin pero dito na lang, hindi kasi sya mailink sa mismong chart.

1. Please click the link

http://www.investing.com/

2. Kung nasa investing.com site na kayo point your mouse sa 'Charts' and click 'Stock Charts'
click the photo to enlarge

3. Click 'full screen mode'(encircled)
click the photo to enlarge
4. the chart will open in all exchanges kaya dapat naka select ang Philippines. magtype ka ng stock symbol/code natin at antyin na lumabas yung nabilugan then select Philippines
click the photo to enlarge

Please click the link for Philippine stock symbols.

http://edge.pse.com.ph/companyDirectory/form.do


5. Meron silang 5mins - 1month chart

click the photo to enlarge

6. Makikita mo pa ang ex-dividend date/payment date at my signal pa using candlestick trading
click the photo to enlarge


7. pwede mo pang palitan ang lay-out mo depende sa size ng monitor/screen mo at pag-aaralan mo
click the photo to enlarge

I make it very simple para maintindihan ng lahat.

Try to explore yung mga charting sites na nasabi ko, masyado ng mahaba kung isa isahin ko pa lahat, ang konti ng icli-click jan, hindi naman sasabog yan :)
Dont be scared kasi hindi lahat ng nanjan ay magagamit mo to become a successfull trader. 

Kung mag-oopen ka ng account mo like ColFinancial, Philstocks, Timson Sec etc etc meron din silang sariling Charting Tools.







3 comments:

  1. Since nasabi mo sir yung watch news basa ng disclosure etc., how do you know if its a sell signal or buy signal? can you elaborate this one more kasi ako personally i don't base my buying and selling anymore, kasi every time na nag rely ako sa news lagi ako na loss at whipsaw etc., kasi as far as i know news is always late. ty in advance sana masagot mo po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Please pakibasa mo ulit yung portion ng Fundamental Analysis. Thanks

      Delete
  2. boss my guide kaba sa crypto trading or same lang sila sa mga tut mo?

    ReplyDelete