TRADING VOLUME BREAK OUT PULLBACK
Basahin nyo lang ito kung nabasa nyo na yung previous post ko na VOLUME TRADING para maintindihan nyo kasi katuloy nya eto.
Kung nabasa nyo na, MOSTLY, ano ang sumusunod na candle after VOLUME BREAK-OUT? Mostly red candle right?
Click the photo to enlarge |
Lets go with the different cases.
Take note, ulitin ko be very carefull with the cross trades, baka naman pinalaki ng cross trade yang volume break-out, napagusapan na natin to.
Click the photo to enlarge |
ooOOOPS! Teka muna, analyse mo naman muna by yourself kung ano pagkakaiba nila bago mo ituloy basahin to.
You can print that para mas masundan mo habang ineexplain ko, nakakhilo kung binabalik balikan mo.
CASE 1(Please refer sa picture)
After volume breakout,
1.nasundan ng ‘bigger’ red volume yung volume break-out.
2.bumaba ang price PERO maliit lang ang binabaan nya, look at the price candle
Ano ang interpretation nito?
-It means nagkaroon ng HEAVY SELLING, BUT nagkaroon parin ng increasing interest ang mga buyers(bulls) sa 'mataas' na price kaya hindi naibagsak ng husto ang price, look at the red volume,anlaki, pero mas marami ang gustong magbenta to take profit kaya naibaba ng konti ang price.
Ano ang impact neto kinaumagahan?
-Normally maski kayo siguro, after a red candle, hindi na kayo magiging aggressive o hindi na ganun kataas ang interest nyo para bumili sa stock na yun right? Makikiramdam muna kayo right? Kaya kadalasan nasusundan pa eto ng red candle, pero hindi nman lagi, pedeng green cadle na maliit or kung bobombahin pa ng mga big players, pwedeng maging big green candle ang susunod.
CASE 2(please refer sa picture)
1.nasundan ng ‘bigger’ red volume yung volume break-out.
2.bumaba ng husto ang price, halos magkaparehas sila ng laki sa candle ng price nung nagvolume breakout
Ano ang interpretation nito?
-Nagkaroon ng HEAVY SELLING and buyers are not that aggressive to buy at higher price and sellers are willing to sell at lower price, eto na ung sinasabing, ‘takbuhan na’, sige buhos, panic selling. Iba eto sa case 1, dito hindi nagkaroon ng increasing interest ang mga buyers at higher price like case 1, dito sellers can buhos or sell even sa lower price, super talo ang buyers dito. Unlike case 1 na naglabanan ang buyers at sellers sa mataas na price. Very big difference sa interpretation pero sa size of volume ay same right?
Maliwanag ba?kailangan mong maintindihan maigi yan.
CASE 3(please refer sa picture)
1.nasundan ng near more or less than 50% red volume yung volume break-out
2.bumaba ang price near more or less than 50% ng price candle nung nag volume break-out.
Ano ang interpretation nito?
-It means nagkaroon ng decreasing interest sa stock dahil sa pressure of selling at bumaba ang price. Dito maraming naghold, compare the size of volume breakout at yung sumunod. Nasa more or less 50%. Maraming ipitz kasi sa volume breakout karamihan na transaction ay nasa taas.
Sinadya kong 3 cases lang ang ilagay ko jan to test u kung naiintindihan nyo talaga ang mga yan.
Can you answer this?
1.look at the picture of case 2, what if ganyan ang price candle nya, pero yung volume nya ay nasa near more or less 50%?
2.kung masasagot nyo yang #1 alam ko ng kahit bali baliktarin nyo na yung mga sizes nyan after volume break out ay maiinterpret nyo na.
Sa pag-intindi sa mga CASES nayan, mas madali nyo ng intindihin yung mga differences ng mga examples natin sa actual trading.
Maliwanag na ba ang mga yan? Ulitin nyo muna kung hindi pa. Maganda din kung alam nyo kung ano nangyayari right?
LETS GO WITH THE EXAMPLSE SA ACTUAL TRADING AT PAANO KIKITA JAN.
Paano ang entry(buy) at exit(sell) sa mga yan?
Click the photo to enlarge |
Katulad sa anong CASE eto? This can fall under CASE 1.
oooOOOPS!tumaas ba kilay mo? Baka sabihin mo, 'ah hindi a,
alaki ng price candle after the volume breakout, yung CASE 1 ang liit.’
Yes your right IF yung pattern lang ang iniintindi mo,
BUT kung yung concept ang inintindi mo, it will fall under CASE 1.
Why? Look at the closing price ng volume breakout, and look at the closing price ng sumunod na candle.
This means bumama ng konti ung closing ni #2 candle compare sa closing ni #1 canle.
Which means looking at volume B, lumaki yung vol, nagkaroon ng strong interest ang mga buyers sa higer price BUT nagkaroon ng HEAVY SELLING, maraming nagtake profit, pero lumaban ang buyers sa higher price at hindi nila pinabayaan na bumaba ng husto till closing, konti lang ang binaba ng price compare sa closing ni #1 right?
Sa sumunod na araw, candle #3, mostly after heavy selling ang susunod na candle ay red. Look at volume C, lumiit ng husto, nagdecrease ang interest ng mga buyers na bumili sa mas mataas na price.
Take note, eto ang importance ng pinagusapan natin na CASES, hindi bat andaming buyers na lumaban kay vol B sa mataas na price? Then bumagsak ang price with volume C na maliit, it means MARAMING nakahold. In this case kung yan ay nasundan ng SOR, mas aggressive sa bounce the following day ng SOR kasi maraming bagong pasok na naipit sa taas, sasamahan ng mga big players na nasa taas pa to push the price up.
Did you remember my post dito noon about sa trade ko dito? Sabi ko, sa day mismo ng SOR, bakit mo pa kakailanganin ng confirmation kung sigurado ka naman. Look at volume D, maliit yan, do you remember yung sinabi ko na may small volume na strong buy? In this set up, yan na ang isa dun. Very strong close kasi yan noon.
What happens next?
Click the photo to enlarge |
BOOOM! Look at that powerfull bounce, what a kick! Gap up plus rally, from 3.35 nag open sa 3.50 plus rally umabot agad sa 3.70, from 9:30-9:45 palang my 9% kana. Nagsesell agad ako jan sa rally kasi normally bababa ulit bago tataas. Naala nyo siguro yung sinasabi ko, trade at 3pm, sell at the opening plus rally. Yang mga ganyang set up yun. Easy money right?
Tignan natin ang katuloy kasi pwede parin kumita jan.
Look at volume AB, compare it to volume CD, same story pero lumiit lang. Pero malaki parin yan compare it to the candles ng previous months. Anong sumunod na canle kay D?same story sa sumunod kay B, same with the price candle, look at the price sa volume ni D, hindi bat lumaban ang bulls sa taas, at sa taas nanaman sila naglabanan? Same story sa price ni volume B right? Same set up, same strategy with the entry(buy) and exit(sell) kasi kahit papano malalki parin ang volume at interms of interest, same story sila.
Look at volume EF, iba na ang kwento, look at volume F, compare it to volume E, though lumaban ang bulls sa taas pero decreasing interest na,lumiit si F compare kay E.
Then look at SOR 3, ooOOOPS! paanong naging SOR yang 3?
Kung pattern ng candlestick ang sinusundan mo, parang hindi nga SOR right? BUT kung ang concept ang iniintindi mo, it is a SOR,
why? Look at the price of volume F, hindi bat bumaba, then biglang sa price(not the volume) ng volume G ay tumaas, it meas, nagkaroon ng push ang mga bulls, good sign yun para tumaas kinaumagahan.
Kinaumagahan, tumaas ulit, nag doji ang look at the volume ng H kung kelan nag doji. Mas malaki compare kay G. It means nagkaroon ng increasing interest ang players.
QUESTION: How will you know if it is still safe to continue or not?
LOOK AT THE VOLUME, look at the arrow na may nakalagay na decreasing volume, komokonti na ng komokonti ang interest ng mga market participans AT nasa 52week high ang price. Talagang bababa yan in that kind of set up. Kailangan mong makakita ulit ang strong interest or big bullish volume or inreasing bullish volume na malaki laki like C at D jan para masabi mong interesado pa ang mga buyers sa level ng price jan. Nasa summit ka na! Resistance level at decreasing volume, kung hindi ka pa umalis jan, yari!
Maliwanag?
EASY 8%, 12% ayaw mo pa, if nakapasok ka sa 2 trades jan sa SOR 1 at 2, may 20% ka na. Kahit magsell ka near opening kung malakas yan sa closing you can sell na, sapat na yun at pasok ulit sa nxt SOR.
Malinaw ba?Ulitin mo kung hindi. Malaking tulong yung pagprint mo ng picture habang binabasa mo ang explanation ko. Mahirapan kang intindihin kung baliknalikan mo.
Lamang na lamang ka kung naiintindihan mo ang ang nangyayari right? Kung 100% naiintindihan mo yan nakangiti ka na dapat ngaun. 'Ah ganun pala yun' sabi mo siguro, NAKS! :)
Another EXAMPLE:
Click the photo to enlarge |
Ayan nanaman ang SOR, paanong naging SOR yan?kakapaliwanag ko lang sa taas right?
After volume breakout tapos nagpullback, ang inaantay natin ay yung SOR para mag bounce, at Sign yan na magbabaounce kasi it means kaya ng itulak ng buyers ang price, hindi na ganun kalakas ang buhos, nanalo ang bulls(buyers), kaya sign na yan na pwedeng magbounce na.
Katulad ng sabi ko, yung concept ang intindihin nyo, hindi ang pattern.
Saan entry for test buy? Sa closing ng SOR.
Then after SOR, booOOOM! Look at that kick! Gap up plus rally. Very strong close kasi yan noon.
Saan ako umexit? Sa gap-up plus rally. Naipaliwanag ko ng kung bakit.
Easy 10-20% right?Kahit sa gap-up+rally ka lang magbenta nakuha mo na ang 10% plus na gain. Easy trade right?
FAILED BOUNCE naman tayo. Paano ang entry at exit?
Click the photo to enlarge |
After volume breakout(A), kinaumagahan bumaba ang price(#2) more than 50% ng previous cande(#1).
At ganun din sa volume, compare volume A and B. It means nagkaroon ng decreasing interest. At marami ang naghold, ayaw nilang magbenta sa masyadong mababang price.
The following day sinundan ulit red candle(3), look at volume C. Nagdry up na ang sellers, konti na ang gustong magbenta sa price na mababa.
Kinaumagahan, candle 4. Nag SOR, eto yung gusto ko na SOR, yung maliit lang at maliit lang din ang volume, bakit? Kasi mas madali mong malaman kung magfail ang SOR o hindi dahil mas mabilis mong malalaman kung magkakaroon ng increasing interest/increasing bullish candle dahil sa ilang minutes palang sa opening kasinlaki na ng volume ang volume ng SOR kung successfull bounce, at makita mo ung buying pressure na malakas, maaga palang alam mo ng confirmed ang SOR. Unlike kung anlaki ng volume ng SOR, malalaman mo na nagkaroon ng increasing interest KUNG malalagpasan nya yung volume ng SOR, it takes time kaya mas gusto ko ung mas maliit.
But dito sa example ay failed SOR. Look at candle number 5, bumaba,look at the volume E, instead na you are hoping for inceasing interest, wala, masmaliit si E compare kay D at red pa, bumama.
How will I trade this?
I stick with my strategy, I test buy sa SOR near closing, sisiguraduhin kong SOR yan kaya near closing ako bibili.
Kung gaano karami?depende sa aggressiveness ng buyers at sellers sa SOR candle.
I buy because I am hoping for the bounce right? Kinaumagahan sa pre-open palang, grabe ang tamlay!haha Anong ginawa ko? As one of my golden rule, sell agad, bumili ako because i am expecting na magiging aggressive ang mga buyers kinaumagan kaso di ko nakita, maghohold pa ba ako?NO, sell agad.
But there are cases na hindi ko agad isesell KAPAG MAHINA ANG BUYING PRESSURE SA PREO OPEN palang.
In wahat cases?
1. Kung mag gap-up sya tapos mas malakas ang bid comapare sa mga ask, it means konti ang gusto magbenta sa mababang price at marami gusto bumili na nakabid.
2. Hanggat hindi nya narereach ang price na pinambilhan ko sa closing,
I will sell immediately kung tataas. Kasi normally sa ganitong situation, bababa din, pero hindi naman lahat, may magtutuloy pa nga e, pero why will i sell na? Kasi hindi present yung inaasahan kong buying pressure at nag gain na ako, magsisisi ba ako kung tutuloy? NO. Makakapasok ka naman ulit kung makita mo na malagpasan nya ang volume ni candle D.
Napagaralan na natin kung ano ang ginagawa natin sa Volume breakout palang. Pero hindi ko ata naexplain si ANI sa volume break out trading. Itackel natin konti. Kung my position ka sa Volume break out at naghold ka hoping for the kick kinaumagahan. Sa pre open palang, makikita mo ng walang kick sell agad, kasi hindi mo nga nakita yung reason kung bakit hinold mo pa.
dapat kung my kick yan ay nag agp up sana, pero makikita mo sa pre open palang na wala. Alam mo ng bababa ya, kung matigas ulo mo at naghold ka hoping for the bounce? OUCH! Mostly anong candle ang susunod after volume break out? Red diba? Kaya kung naghold ka, nagging red din port mo.
Another EXAMPLE:
FOOD - same story with ANI, kayo na maginterpret jan, kung naiintindihan mo si ANI dapat alam mo ng iinterpret yan.
Click the photo to enlarge |
Malinaw ba lahat? Naintinhidan nyo na ba? Ulit ulitin nyo lang kung hindi pa.
Sa mga newbies, again, don’t trade agad, study muna, intindihin muna maigi, paper trade muna bago real money, kung ok na saka real money pero small amounts muna, kung ok na talaga saka lang big amounts.
TIPS:
-FOLLOW YOUR PLAN/STRATEGY STRICTLY!
Nagtest buy ka hoping for the bounce, ano gagawin mo kung Makita mo ang tamlay, walang aggressiveness na mikikita sa mga buyers. O kaya kung bumaba na. Huag magbase sa HOPE, HOPE is not a strategy.
"malay mo mamaya may bomomba" sabi ng iba, yang mga yan ang dahilan kung bakit maraming nalulugi.
-HINDI LAHAT NG SOR ay successful, its how you manage kung magfail.
-KUNG NAG GAIN KA NA, SELL WHEN HAPPY, DON’T LET YOUR GAIN TURN INTO A LOSS
-WALANG 100% perfect interpretation, kaya my fail at successful bounce. Why? Anytime pwedeng my lumabas jan na magsell na malalaki or pwedeng hindi lalaruin ng big players, babagsak talaga yan, ganun din kung may lalabas jan na big players na mamamakyaw, talagang tataas yan.
-IEMPHASIZE KO ULIT, FOLLOW UR PLAN/STRATEGY STRICLTLY
-HINDI yung pattern ang tignan nyo, intindihin nyo ang market participation. Walang successful trader na hindi nya naiintindihan ang market psychology, interpretation of market participation.
Thanks Sir Jason... God Bless
ReplyDeletesalamat bossing...ang galing.
ReplyDeletegaling mo boss! sana madugtungan pa! salamat po!
ReplyDeleteMagandang paraan para mag invest. Salamat.
ReplyDeleteInvesting Stocks 101
Deletehttps://exchangestockmarket.blogspot.com/
Making a positive interest for a regular trading volume gives a market a truly a right.
ReplyDeleteNCDEX Tips
Stock Cash Tips