How to stop your losses and turn it to gains.
Marami nagtatanong what stock to play, marami nagsesend ng loss nila, yung pinakamalaki ang loss na nagsabi ay more or less 80% daw ang naloss. Yung pinakamalaki naman na nagsabi ng nagain nya na newbie is 158% gain daw, WOW! nakasakay sa ceiling play eto! BUT same story sa mga nagsabi na naggain, naubos din sa mga sumunod na trades. Mostly ay 20-60% ang sinasabing loss nila as of now base sa mga nagmemessage sakin. Yung iba nag start lang early this year.
Yes karamihan sa mga newbies ganyan ang kwento.
Kung isa ka sa mga yan, sana makatulong ang RECO ko sa inyo, reco ang ginamit ko na word kasi ang daming reco sa mga FB groups na stocks, sa dinami ng reco ng mga genius at mga gurus, bakit nalulugi parin ang mga newbies?
Iba iba ang way kung paano naintroduce satin kung bakit tayo nagdecide to trade in the stock market. Pero kung nanjan ka na nagtretrade, pwedeng hindi nyo napapansin pero bakit kaya habang nagtretrade ka ay parang mas naakit ka na magtrade lalo, kasi nakadesign sya na akitin ka nya to engage talaga, why? Kasi nakikita mo kung gaano kadaling kumita kasi nakikita mo yung mga nasa top gainers, sasabihin mo “kung pumasok ako jan ung 50,000 ko nagging 70,000 na sana ngaun in very short period of time lang”, “yung 100,000 ko nagging 140,000 na sana”, “ung 500,000 ko nagging 650,000 na sana”, “yung 1,000,000 ko nagging 1,500,000 na sana” etc sa very short period lang.
Saan ka naman makakakita ng ganyang kalaki ng rate of return(ROI) ng investment mo. Ang bangko ni hindi kayang magbigay ng interest na 5% in 1 year. Sa stock market isang araw lang yan pwede.
Kaya habang tinitignan mo yung mga top gainers daily, naakit ka, 5%-50% increase in 1 day ang mga nakikita mo, maakit ka talaga.
Yung iba nga kung inaalok ng pag-iinvestan na mataas ang ROI ay minsan umuutang pa sila para lang makainevst doon. Minsan scam pa pala :D
Kung ano man ang plan mo for engaging in the stock market, kung daytrading, short term o longterm.
Ipapakita nya sayo ang laki na pwede mong kitain araw araw.
Kung long term ka, ito ay passive income, your money works for you. At very promising investment kasi ang ratio ng ROI ng PSEI ay tinatalo nya ang inflation rate at ano mang investment institutions like banks etc.
Ganyan kaakit akit ang stock market.
Karamihan na nasa groups are active in trading, mostly are daytraders at short term traders.
Alam nyo ba ang ratio ng mga common newbies sa WIN/LOSE trades ay 1:4.
In 5 trades, meron lang 1 winning trade, lugi sa apat.
Kung may 20 trades ka na, ilan na ang lugi mo? You win in 4 trades but you lose ing 16 trades. OUCH!
Once kasi na nalugi si newbie, gusto nyang bumawi agad, kaya trade ng trade.
Knowing those, ano ang ibig sabihin nyan?
It means habang dumarami ng dumarami ang trades mo, mas lumalaki pala ng lumalaki ang lugi mo.
PAANO MO IIWASAN ang ganyang pagkalugi?
THIS IS MY RECO:
1.IF YOU ARE A NEWBIE, DON’T TRADE! Sabi nyo siguro, ‘paano ako matututo kung hindi ako magtretrade, experience is the best teacher!’, tama naman but continue reading...
2.PAG-ARALAN MUNA NG MABUTI KUNG PAPAANO KA KIKITA SA MARKET, dahil sa stock market, kung gaano kadaling kumita, MAS MADALING MAGSUNOG ng pera. It means kung hindi mo pa alam kung paano ka kikita at nagtrade kana agad, masusunog talaga ang perang pinaghirapan mo. Kaya mag-aral muna.
3.MAGPAPER TRADE muna, instead of using real money, lets say for example may nakita kang stock na my good entry, instead of making the trade sa broker mo, sa notebook or pc or cp or any gadget mo gawin yung ENTRY mo, at ganun din sa pag sell, isipin mo na parang binili mo talaga, kelan ka magbebenta?Sundan mo din, don’t cheat yourself.
Use 'different strategies' na na napag-aralan mo, gawa ka ng statistics ng paper trading mo, kung saan ang strategy na nakikita mo na mas marami kang gain, stick ka strategy na yun.
Kung yung strategy mo na yun ay magagawa mo lang in 1-3 trades a week, or even 1 trade a week lang, stick with that! Bakit mo babaguhin kung kumikita ka?
Dont expect a perfect strategy, napag-sapan na natin to, magloloss at magloloss ka, ang importante ay how you manage it.
4.TRADE ONLY kung my nabuo ka ng trading plan/strategy na succesfull sa pagpaper trade mo.
malaki naba nagegain mo compare sa loss mo?Kung nakikita mong kaya mo na, then trade BUT use only small amount of money muna, kung nakikita mo ng OK na then you can add.
5.NEVER EVER BUY TO ANY GURUS RECO STOCKS sa mga FB groups, sabi ko don’t trade kung wala ka pang successful trading plan/strategy, ngayon you engage na in trading, bakit ka pa makikinig kung my sarili ka ng system/plan/strategy in trading na successful right? TREAT those recos as screener only, analyze them by yourself. MALAY MO MAS MAGALING KA NA PALA COMPARE SA GURU NA YUN! :D May kanya kanyan intention ang pagrereco sa mga groups, minsan ay legit, minsan ay pansariling interest lang. Sorry pero yan ang reality. Kaya gawin mo lang silang screener.
6.YOU WILL NEVER BECOME A SUCCESSFUL TRADER kung nagrerely ka sa iba.Pansinin nyo, yung mga magagaling na traders nasaang level sila?sila ba yung mga nagrerely sa iba? Hindi. Kaya kung gusto mong kumita sa stock market, dapat you can rely ur trades SA SARILI MO MISMO.
7.Kahit ilang taon ka nang nagtretrade at natatanong mo pa sa sarili mo ang tanong na to “bakit kung bumibili ako saka naman bumabagsak?” –this is a very strong sign that you are still a newbie, im sorry, huag sana maoffend but its true. I recommend stop trading muna habang may natitira pa sa port mo kundi mauubos yan, I recommend sundin mo din ang #1-6.
Kung gusto nyong hindi masunog lahat ng laman ng port nyo, yung mga pinaghirapan nyo. I recommend follow these. Pero nasa inyo parin ang decision, its your hard earn money naman not mine. PROTECT YOUR HARD EARN MONEY. Unless isa ka sa mga pampalipas oras lang ang pagtretrade :D
This blog will teach you different strategies in trading. At lahat ng alam ko ilalagay ko lahat ditto, all-out! Walang tinatago. Maipopost ko yan paisa isa. Idedesign ko ito in a way to make you become independent trader.
Ivisit visit nyo nalang tong blog kasi baka hindi ko maipost sa FB group ang updates dito.
Hope this helps, alam kong mahirap gawin to pero this might be the best way you can stop those loses. Katulad ng sabi ko, nasa inyo parin ang decision.
Thanks po ulit... wish I've known this months back... please keep on posting blogs... will be looking forward for your next blog... God bless you more!
ReplyDeleteTnx sir jason
ReplyDeleteTnx sir jason
ReplyDeletethank you po...
ReplyDeleteMore wisdom and guidance from God Sir Jason! Salamat and God bless.
ReplyDeletethanks Sir Jason!
ReplyDeleteHELLO SIR OR MAAM PWEDI PO PAKI PASA LAHAT NG BLOG MO SIR OR MAAM YUNG PART 1 TO 7
ReplyDeleteThis is a good learning tools. Thanks for sharing sir.
ReplyDelete