Sunday, October 2, 2016

PART 5: VOLUME TRADING

As of now, kabisado nyo na siguro ang mga Sign Of Reversal (SOR) candlestick patterns. Pag-aralan naman natin ang isang indicator na magpapalakas sa mga SOR candles. Ito ang 2nd MOST POWERFUL INDICATOR

Iisa lang naman ang main goal ninyo kung bakit kayo nagbabasa dito, para sa right ENTRY at EXIT right?
At ang volume ang pangalawa sa pinakamahalagang makikita mo sa chart, number 1 is ang price para malaman mo ang tamang entry at exit mo. But hindi pansinin ang volume kaya maraming nawawala.

Kaya pag-aaralan natin ang volume as SIGN OF REVERSAL, isama natin ang SOR candlestick patterns natin. Kung kaya mo nang i-interpret ang volume, try to papaer trade, believe me, magugulat ka sa result :) 

Im using volume as my main guide to spot where the price is heading. Kasi kaya nyang sabihin kung magtutuloy pa ba ang trend? Kung magrereverse na? Kung dapat ka ng bumili o magbenta.

Marami ako nakikitang nagpopost ng chart analysis nila, minsan napapangiti ako kc kung ano ano na ang nilalagay para maiba at gumanda, Pero wala akong nakikita na nagpopost gaano ng analysis about volume, whereas for me, eto ang PINAKAIMPORTANTENG dapat maintindihan.

Marami din ako nakikita ng nagpopost ng “BUY ONLY AT VOLUME BREAKOUT.”
Newbie: “Paano ko malalaman kung volume breakout”
Teachers: “Kung 3x ang laki ng volume compare sa average volume”
Newbie: “Thank you”
-Im not against this kasi tama naman, BUT if you leave it that way, eto na ang PINAKADELIKADONG maiadvice sa mga newbies, kadalasan mawhiwhipsaw! 
My nakakarelate ba? :D
Dahil sa mga experience traders, baka may iba pang tinutukoy na pagbre-break-outan nya. 
Pero kung newbie ang makakabasa nyan, iba ang maiintindihan nya.

Para maliwanagan tayo sa mga yan, lets study volume.

VOLUME are the ‘total number of shares’ traded in 1 day. They represent the total market participants (buyers and sellers) in 1 trading day, they are represented by bars where you can see sa chart.
Kung nirerepresent ng volume ang lahat ng market participants sa isang traded stock, hindi bat napakahalagang malaman mo kung paano ito iinterpret para malaman mo ang galaw ng mga traders.
Click the photo to enlarge
Parang sa candles din ang color nila.Kung green ang candle, green din ang volume kc tumaas ang price sa araw na yun, kung red ang candle, red din ang volume kc bumaba ang price.

Ano ba ang meron sa mga volume? 
Click the photo to enlarge

This picture will show you kung ano ang pwedeng makita sa isang bar ng volume, magbase tayo sa picture na to at isaisahin natin silang iexplain para aware kayo kung ano ang mga yan at importance nila.

-BUY UP AND SELL DOWN, dalawa ang klase ng pagbili at pagbenta, my bibili na magbi’bid’ at bibili sa naka ‘ask’. My magbebenta na ilalagay sa ‘ask’ at magbebenta na ibebenta sa naka ‘bid’.
This is very important kasi dito makikita yung ‘pressure’ ng buying at selling.
Sa total kung mas marami ang buy up, it means tumaas ang price sa araw na yun(volume = green bar). Kung mas marami naman ang sell down it means bumaba ang price (volume = red bar).

-CROSS or Cross Trade
Click the photo to enlarge

Sa Timson Securities madali lang makita ang cross trade kasi nasa Stock information na ang total nya at color coded pa sya sa Stock transactions as seen sa photo.
Nangyayari eto kung magtratransfer ang isang broker ng same stock from 1 client to another client na my iisang fund manager. Pero kadalasan ginagawa na ito para mapalaki ang volume. Hindi bat mas nakakaattract kung mas malaki ang volume?

Looking for volume break-out? ingat kasi my nakakalitong volume din, at eto na yun, gawa ng cross trade. Importante na malaman mo kung pinalaki lang ng cross o hindi para alam mo kung talagang nagkaroon ng strong interest ang mga investors sa stock.
Click the photo to enlarge

Volume breakout right? Pero crosstrade ang nagpalaki nyan, witness ako jan. This doesnt show na nagkaroon ng strong interest ang mga investors jan.


-BLOCK or block trade/ block order.
Sa Timson securities madali lang sila makita kasi nasa Stock information na ang total at color coded pa ang nasa stock transaction, orange.
Click the photo to enlarge

Kung papansinin nyo nasa 249.4 ang price ng JFC nung nagkaroon ng Block Trade at hindi nagreflect ito sa pagtaas o pagbaba ng price. Para lang eto sa mga malakihang transaction o very large amount of shares ng mga institution or other large investors, dinadaan nila sa block order to purchase or to sell sa arrange price between the agreeing parties para hindi magkaroon ng gaanong impact sa flow ng price.
This is privately negotiated transaction at naexecute separately pero kailangan din na mairecord sa stock transactions. At may impact din sya sa Volume kaya mag-ingat din baka gawa lang din ang volume sa block trade.

-NET FOREIGN is the total of foreign buy less foreign sell. 
Click the photo to enlarge
Malaki ang effect ng foreign investors sa isang stock kasi malaki ang hawak nilang shares. Sa mga stocks na my surprise bad news at aalis sila, matirik ang bagsak kasi malaki ang shares na hawak nila. Pero as a dayt trader, pinapansin ko lang sila sa mga stocks na nadradrive nila. Pero hindi lahat ng stocks ay nagbabase sa net foreign, kung minsan wala silang effect kasi ilang % lang sila sa total volume per day trade. 


-VALUE simply means the total traded value in pesos.
-TRADES are the total number of trades occured
-VWAP or Volume Weighted Average Price, hindi ko na sana isama to kasi wala na sa loob ng volume pero for study purposes isama ko na para aware din kayo kung ano yan.
Click the photo to enlarge

Ginagamit ito ng mga advance traders, very broad ito kc maraming dapat iexplain, mga formulas etc, but in theory kung ang price ng buy trade ay mas mababa sa VWAP, it’s a good trade, at sa opposite naman kung mas mataas ang price sa VWAP.

Maganda din kung may knowledge ka sa mga nakikita mo kasi nakakatulong din sila sa trades mo in different ways. Kung naintindihan nyo na ang mga yan......

.....Lets start with different volume formations. 

INCREASING BULLISH VOLUME:

Ang intindihin nyo dito ay basta nag iincrease ang bullish(green) volume, it means dumarami din ang buyers na nagkakainterest sa stock na yun, dumarami ang market participants. At habang nagiincrease yung interest nila, dumarami ng dumarami ang bumibili, tataas din ang price kasi.
Increasing bullish volume = increasing interest

DECREASING BULLISH VOLUME:

Ang intindihin nyo dito ay basta nagdedecrease ang bullish volume, it means komokonti ng komokonti ang market participants, nagdedecrease yung interest ng mga investors. At habang nagdedecrease yung interest nila, komokonti ang bumibili, susunod at susunod ang price, bababa din.
Decreasing bullish volume = decreasing interest


In actual trading, EXAMPLES OF INCREASING AND DECREASING BULLISH VOLUME:
Click the photo to enlarge

Eto ang kwento ng volume nyan: Compare with the chart in numbers
1. After a downtrend, nagkaroon ng SOR candle na inverted hammer, look at the volume ng SOR candle, anliit na, it means konti na ang nagbebenta or nag dry up na(compare it to the previous red candle). Indicator na tapos na ang buhos, is it a strong buy na?NO, Why? hindi bat napag-usapan natin na weaker signal ang mga inverted hammer kasi in the end naitulak din pababa ang price, so we will wait for the comfirmation candle.
2. Bulish volume na, confirmation na reversal ng SOR candle, now you can test buy here. At sinundan nanaman ng,
3. Biger volume, ibig sabihin dumarami ang nagkakainterest or buyers, hold and you can add shares. then 
4. Nag doji, BUT look at the volume, lumalaki parin, so we hold kasi as a rule sa increasing bullish volume, habang tumataas, dumarami ang market participants, tataas ang price. 
5.. Then nasundan ng very bullish candle na marubozu but look at the volume, lumiit, this means komonti ang market participation, Why? Pansinin nyo tumaas ang price, this happens kasi walang gustong magbenta ng mababang price, at konti lang din ang gustong bumili sa mas mataas na price kaya maliit lang ang volume at tumaas ang price. Honestly speaking magsesell na ako dito, kasi more on ako sa market participation, nakita ko ng lumiit, As of this time meron na akong 4.63% gain, anlaki na nyan. then kinaumagahan,
6. Another marubozu candle and look at the volume, tumaas compare sa mga previous candle, ibig sabihin, dumami na ang gustong bumili sa higher price. It forms a marubozu candle with increasing volume, sino ang hindi papasok jan?I surely bought here, then,
7. Booooom!nung nakita ng mga traders na confirm na talaga ang uptrend, pinasok na, look at the volume, super heavy buying!
8. Another heavy buying. More bulls are coming in.
9.Biglang bumaba ang volume, though malaki parin, BUT look at the price, ang liit ng candle. Hindi na gaanong naitulak, ang liit na ng range, kung nangyayari eto sa matirik na uptrend tapos after a VERY BIG volume lalabas yan, it is confirming na yung malaking candle(8th candle) ay climax volume na, exhausted na at sign na yan na magrereverse na ang trend. Dito nag start ng magdecrease ang volume, start na ng distribution phase.
From 8th candle to 13th candle nagkaroon na ng decreasing bullish volume, confirmation na eto na talagang magkakaroon na ng reversal.

Gusto kong iemphasize yung nakahighlight sa example picture natin. Example of Decreasing Bullish Volume.
Click the photo to enlarge

Tumataas ang price BUT the volume is decreasing, this is called divergence o pagsalungat nila sa isat isa. Sign na eto na bababa ang price dahil susunod at susunod ang price sa volume. 

Another example;
Click the photo to enlarge

Click the photo to enlarge

Hindi bat lamang ka kung marunong kang magbasa ng volume...

Bago tayo lumipat sa ibang volume formation, kung hindi maliwanag sayo yan, ulitin mong basahin kasi mas maguguluhan ka kung minsanan mo lang basahin lahat to. Step by step lang, intindihin mo yung concept nya, yung system nya, para maiapply mo sa kahit anong stock.

Kung naiintindihan mo na lets proceed sa opposite naman nya.


INCREASING BEARISH VOLUME:

Basta nag-iincrease ang red volume it means na dumarami ng dumarami ang nagbebeta. Huag papasok hanggang hindi maabot yung climax volume nya at mag-antay ng SOR to confrim na exhausted na.
Increasing bearish volume = selling is increasing


 DECREASING BEARISH VOLUME:

Opposite naman eto, nagkaroon muna ng heavy selling at continues ang pagbenta hanggang sa nagdradry-up na ang red volume, it signals you na konti na ang gusto magbenta at posibleng magkaroon na ng reversal.
Decreasing bearish volume = selling is decreasing

In actual trading, EXAMPLE OF INCREASING and DECREASING BEARISH VOLUME
Click the photo to enlarge

Huag na huag kang papasok kung nagiincrease ang bearish volume dahil talagang mabubuhusan ka. Antaying mo muna ang exhaustion nya at SOR.
Click the photo to enlarge

Huag na huag ka din munang papasok sa decreasing bearish volume hanggang hindi pa ito nagdradry up(konting konti na ang gustong magbenta) at nagpakita ng SOR.
For study purposes, tignan nyo ang chart, after ng decreasing bearish volume, nag doji right? then it was followed by a confirmation candle, BUT look at the volume, lumiliit, ung mga follwing candle ganun din. Its a sign na hindi nya masusustain ang uptrend. Volume dont lie, bumagsak nga.

Para hindi malito, dalawa ang titignan mo dito para malaman mo kung tapos na ba talaga ang buhusan or exhaustion ng mga sellers, una ung increasing bearish volume na aantayin mo na maabot nya yung climax volume(pinakamalaki) nya at SOR na magcoconfirm na yun na talaga exhaustion ng mga sellers, pangalawa yung decreasing bearish volume na kung saan aantayin mo na magdry up ang volume para masabi talaga na exhausted na ang mga sellers, paubos na ang gustong magbenta sa mababang price, and wait for SOR to confirm dito. Malinaw ba ang difference nila?


Lets apply these 4 volume formations sa actual trading. EXAMPLE OF INCREASING AND DECREASING BULLISH/BEARISH VOLUME.
Click the photo to enlarge

Please refer sa numbers sa chart as I explain.
1. Downtrend confirmed by,
2. Decreasing bearish volume
Then nagkaroon ng SOR with volume
3. The price goes up 
4. BUT look at the volume, it is a decreasing bullish volume, signal na bababa ang price, susunod at susunod ang price sa volume
5. Bumagsak nga

Another example;
Click the photo to enlarge

Hindi bat napakahalaga ang role ng volume? Sinasabi nya kung saan pupunta ang price. Kung nasaan ang strength at weakness ng trend.


 Malinaw na ba tong mga to? Andali lang diba?



VOLUME BREAK-OUT

May dalawang interpretation akong nakikita dito depende sa level ng knowledge ng nag-aapply.

Advice ng mga experienced traders:
“BUY ONLY AT VOLUME BREAKOUT.”
Newbie: “Paano ko malalaman kung volume breakout”
Experienced trader: “Kung 3x ang laki ng volume compare sa average volume”
Newbie: “Thank you”

Interpretaion #1: (newbies)
Bibili lang ako kung volume break-out na, aantayin ko yung sinabing 3x ang laki compare sa sa average volume bago ako bumili.

Interpretaion #2: (Experience traders)
I will only buy sa break-out ng strong resistance ng price, KUNG sinosoportahan ito ng BIG VOLUME. 
Kasi in a break out, massive volume should be present.

oooOOOPS! ang layo ng pagkakaiba ng interpretation. Pero nagtutugma din ang interpretation ng #1 sa #2 kasi lahat ng break-out na may volume na umaabot sa 3x compare sa average volume ay talaga naman na i-bre-break nya ang mga resistance. 
Dahil dito nagkalabo labo na. 

Eto yung mga naging matunog sa groups ng nagbreak-out.
Click the photo to enlarge

Click the photo to enlarge
Click the photo to enlarge
Click the photo to enlarge
Click the photo to enlarge

Interpretation #1: HOW NEWBIE TRADE THIS BREAK-OUTS?
Click the photo to enlarge
Click the photo to enlarge

Click the photo to enlarge

May nakakarelate ba jan? :)

Another example;
Click the photo to enlarge
Click the photo to enlarge

Same story right? My nakakarelate din ba?
Same story with CAL, same story with FOOD, lalo na si FOOD, 85% ng total trades nya nasa taas, 11am palang nasa ceiling price na, doon na nagstart malalaking trades. And what happens?
Lahat same story. 

These are the reasons kung bakit ko sinabi na napakadelikadong advice ang BUY AT VOLUME BREAKOUT sa mga newbies. Napakaraming newbies na nawhiwhipsaw jan. Bakit?kasi sa taas sila bibili, they buy when the volume is 3x bigger than the average volume.

Please go back sa chart ng mga examples nung nagkaroon ng volume break-out. Tignan nyo silang limang examples, pansinin ninyo kung ano ang sumunod na candle after the volume break-out. Anong candle ang sumunod? Majority is RED candle right? Halos lahat! Mostly ganyan ang nangyayari, kung successfulbreak-out man, nagreretrace muna ng konti bago tumuloy, kung failed break-out, derecho bagsak. Dapat keen observer ka, alamin mo ang price action ng isang stock.
Malinaw na ba?



Lets go doon sa interpretation number 2. Ganitoko i-intrepret  ang volume break-outs.

VOLUME BREAK-OUT means nagkaroon ng very strong interest ang mga market participants sa isang stock, VERY HEAVY BUYING, kaya tumaas ng tumaas ang price at nabreak ang RESISTANCE that is supported by big/massive volume, twice or thrice compare sa average volume.
Dalawa ang nabreak dito.
1. Break-out sa resistance
2. Break-out sa volume(twice or thrice compare sa average volume)
Napansin nyo ba sa 5 examples natin na chart na may volume breakouts ay my 'LINES NA BLUE'? Kung hindi nyo napansin, PLEASE balikan nyo. Those 'horizontal blue lines' are the 'resistance' that needs to be broken 'with the presence of big volume' para masabing valid break-out. Malinaw ba? Ano yung ibrebreak? RESISTANCE, at ano ang kailangan para masabing valid break-out? BIG/MASSIVE VOLUME..... Kailangan mong maintindihan ito para hindi ka malito, pakiulit basahin ang paragraph na to...... Malinaw na ba? Dahil hindi porket mabreak ang resistance ay bibili ka right?
To elaborate further ulitin natin ang isang example.
Click the photo to enlarge
Pag-aaralan natin sa mga susunod na post kung paano ang pag spot ng support and resistance, yung mga naunang example ay nasa shadow ang resistance line right? karamihan kasi mas gusto nilang nasa shadow kasi yun ang pinakamataas na naabot nya. At dito ay nasa malapit sa body, sinadya ko yan. Dito kasi sa example na to, ginamitan ko ng line chart at doon ako nagbase. Sa iba naman sa body ng candle sila nagbabase. They exclude the shadows. 
Kung wala pa kayong knowledge sa support and resistace, dont worry, eto ang next na ipopost ko para maintindihan nyong maigi yung pakakaconnect nila.


I am not claiming na master trader ako, but in my years of experience that gives me a lot of gains in this strategy on how I deal with volumes, I am hoping that my strategy will help you.
Maybe you have better way of trading it, kasi NAPAKADALING magsabi na you should buy here and there kung nanjan na ang chart, ang mag analyse ng chart na nanjan na ang PINAKAmadaling gawin, ang mahirap ay kung wala pa yung candles jan. This is the reason why many gurus don’t post their trades the day when they buy them WITHOUT GAIN pa, they always post KUNG my gain na, and of course, don’t expect them to post their losing trades, that’s a commonsense.  :D

I will use sa example yung mga pinost ko sa groups sa day mismo ng volume break-outs, I know that you remember those kasi ang daming likes ng mga yun at comments.

This is how i traded FOOD.
Click the photo to enlarge

I gained 11% in that trade, not bad right? Napakadaling sabihin na bumili nalang sana ako sa baba right? Its not that easy because no one knows na magceceiling sya, considering na red pa ang previous candle nya. Pede din sabihin na dapat bumili nung my good news? ang daming good news jan pero hindi nagrereflect sa price ng ganyan, napakadaling hanapan ng reason ang isang stock na tumaas, ang daming pwedeng maging reasons jan. Ang importante dito ay, as a daytrader, how will you manage the trade sa volume breakout?
Bakit ako nagtest buy muna?kasi by that time, hindi natin alam kung aabot sya sa ceiling price(pinakamataas na price na pwedeng itrade) o hindi, kung makikita ko na hihina, nagsesell ako, matagal ko ng ginagawa ang strategy na to at marami kasing stocks na volume break-out na aabot pa more than 30% increase pero babagsak ulit hanggang sa 3% increase nalang sa closing, kung nakabili ka nung nasa 30% increase sya, that day may loss ka ng 27%! Kaya i need to test buy at i need confirmation sa trading hours kung magdadagdag ako. Like FOOD umabot ako sa average na 1.13. But i started buying at 1.02 nung nabreak ang resistave, 2 ticks above the resistance as you can see sa chart.

Lahat ng examples sa volume breakout, same treatment din ang pagtrade ko, kung si FOOD ay hindi nangyari yung kick nya kinaumagahan na inaasahan ko kaya ako naghold, tignan natin si CAL, usually ganito ang nangyayari.
Click the photo to enlarge



After reading this, dapat marunong ka ng magbasa ng volume, kung paliit yan, palaki, biglang malaki, biglang lumiit, kung green o red, dapat pag nakita mo ang volume, maiinterpret mo na agad. 
Isipin mong maigi yung concept, yung system habang pinagaaralan mo para mas maintindihan mo at maiapply mo sa kahit anong stock na gusto mong bilhin.

Dadagdagan ko pa ito sa pagtrade ng pullback AFTER VOLUME BREAKOUT. 
Nasa VOLUME parin tayo dito. Mahaba haba din na itackle ito, masyado ng mahaba tong post ko, baka mapagod na kayo masyado.

Maliwanag naba? Kung may hindi ka naintindihan, you can PM me sa FB para maipaliwanag ko pa or madagdagan ko pa to.

TIPS: 
-You should have a trading plan/strategy in all your trades. If you don’t have one and you make a trade, baka maging dinuguan yan. Protect your hard earn money dahil dito sa stock market kung gaano kadaling kumita, mas madali ang magsunog ng pera. oooOOOPS natakot ba kayo? Thats the reality kung hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo.

-DONT EXPECT na makuha mo yung lahat ng gain pag may tumataas kasi hindi pareparehas ang nangyayari, baka pera na maging bato pa, at minsan hindi lang bato, babatuhin ka pa kasi namula na :D 

-I DONT ENCOURAGE NEWBIES NA MAGTRADE AGAD, magaral muna ng maigi, magpaper trade muna, kung OK na ang result mo sa paper trading, saka real money na small amount muna. Kung nakikita mo na kaya mo na, saka ka lang magtrade ng malaking amounts. Kung may magsasabi na bili kayo sa ganito o ganyan, huag makinig. Mag-aral muna, ang GOAL ko dito ay to make you become an INDEPENDENT trader, yung tipong hindi nyo na ako kakailanganin.  :) 

HOPE YOU LEARN SOMETHING......

17 comments:

  1. Ang galing at linaw ng mga paliwanag nyo sir Jason,napakalaking tulong Ito SA mga bagong pasok salaragan ng stock market,ISA ako Na makinabang nito libre pa. Thank you sir Jason Alcantara.GOD BLSS U MORE & MORE.

    ReplyDelete
  2. wow!! wow sa amazing knowledge and understanding about trading..and it's free!!God bless you more!!

    ReplyDelete
  3. salamat dito boss :) Tanong ko lang kung anong broker gamit niyo? Kasi yung mga examples ng break out na binigay niyo katulad ng FOOD, mahirap mahuli sa platform ng col financial. Hindi real time ang chart nila at panay pa lag during trading hours. Thank you in advance boss! All the best! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya pumili ka ng brokern na ayon sa trading style mo... :) so far sa timson madali talaga makita.. :) you can check sa time & sales.. isang prob pa sa col eh kelangan mong i.refresh... philstocks sa v5 nila pwede din.. multiple tabs nga lang everytime mag open ka sa launcher...

      Delete
  4. boss paano po malalaman ang average volume?

    ReplyDelete
  5. Wow.......Ang dami akong natutunan Sir.... Salamat ng inaral ko about sa chart ito the best...habang binabasa ko sya natatawa ako kc nakakarelate ako sa mga sinabi mo ung tungkol sa pagkasunog ng pera kc ..nagyari sakin yan .... :) thanks po sir ha....


    ReplyDelete
  6. Na pa ka lupit neto sir na paka dami ko pong na tutunan at siguradong marami pa akong matututunan sa susunod mong post ng blog sir... Maraming maraming salamat at nag tuturu ka kahit walang bayad at higit sa lahat ng pag explore ko about sa trading itong blog mo sir ang pinakamalinaw na pagtuturo sa trading salamat po ulit godbless po

    ReplyDelete
  7. In this business, it is a gamble and has risks. The more you invest, the higher the chances of success or failure. The best thing is to start saving as soon as possible, learn as much as you can along the way and receive the highest possible return consistent with your risk.

    Thanks for this very useful information stock market trading! ��

    ReplyDelete
  8. how about the cryptocurrency trading sir nag ttrade karin ba?

    ReplyDelete
  9. You are Wonderful with pure good intention! Natuto ako sayo at nag ka interest mag trade.

    ReplyDelete
  10. Thanks po sir madami akong natutunan at madaling intindihan.. Salamat sa pagshashare po napakabuti po nyo. God bless po... It's year 2020 buti nakita ko post nyo

    ReplyDelete
  11. very informative,,, and ur so generous si thanks po for sharing

    ReplyDelete
  12. Ang galing nyo po keep safe. Na lungkot lng ako sa last msg mo. Ung tipong hindi nyo na ko kakaylanganin 😢 salamat po sa free knowledge

    ReplyDelete