Saturday, October 29, 2016

MY BLOG IS FREE, AND WILL FOREVER BE FREE :)

Please read my blog starting from Part 1

PART 1: HOW TO INVEST AND EARN MONEY IN THE PHILIPPINE STOCK MARKET
PART 2: REASONS WHY TRADERS LOSE MONEY IN THE STOCK MARKET
PART 3: FUNDAMENTAL ANALYSIS(FA) and TECHNICAL ANALYSIS(TA)
PART 4: CANDLESTICK TRADING
PART 5: VOLUME TRADING
PART 6: TRADING VOLUME BREAK OUT PULLBACK (PROPER ENTRY AND EXIT)
PART 7: SUPPORT AND RESISTANCE TRADING SECRETS / REALITY AND IMPORTANCE OF TPECHNICAL ANALYSIS

My next post will be about my favorite indicator for my swing trading at marami pa, derederecho na to.
Some strategies specially sa actual trading will be discussed sa ginawa kong group natin. Ang GOAL is to help and make you become an independent trader. WALANG MAGPAPABAYAD DITO.

FACEBOOK GROUP NAME:
PINOY TRADERS

Click the link:

Kung may tanong kayo or gusto linawin, you can PM me sa FB ko or sa group para matulungan namin kayo doon. 
Kung ikaw naman ay marami ng alam at gustong magshare for free, please join at tulungan natin ang mga newbies....

ENCOURAGING BIBLE VERSES

Magkakaiba tayo ng pananaw, nadesign tayo na ganito kaya may mga bagay na sa paningin ng iba ay maganda o ok lang pero sa iba ay hindi. Though alam ko naman na lahat tayo ay naniniwala sa Bible.

Naappreciate ng marami ang pagiinsert ko ng mga Bible verses sa mga post ko pero marami din ang iba ang pananaw. Katulad nga ng sabi ko, magkakaiba tayo ng pananaw. 
Para sa lahat, I removed the Bible Verses na nakahalo sa mga post ko at ilagay nalang lahat dito sa iisang post. 

I also remove some sentences na nakaapekto pala sa iba na UNINTENTIONAL naman. I never named or demoralize someone or magsabi man lang ng ikakasira ng isang tao, its not my intention na gumamit ng word na 'guru' para sa specific person. I want to express my deepest apology kung meron man akong nasaktan sa paggamit ko ng word na guru sa mga post ko. Kung meron pa kayong nakikita, kindly please PM me para matanggal ko, ayaw ko kasi ng issues. Walang mabuting maidudulot yan saatin.
PLEASE lets focus in sharing and helping others.




This is why i make this blog. Nung nakita ko na maraming nangangailangan dahil sa mga msgs nyo saaikin. I am inspired to share all i know here.


Eto ang mga nangmotivate saakin kung nasaan man ako ngayon. 
Dito sa stock market, parang ang daling kumita, but you really need to study hard, para syang course na kailangan mong pagaralan bago mo pasukin. And Im happy kung makakatulong ako sa pag-aaral nyo.



You need time to study and work, pero sana hindi yan ang magiging sentro ng buhay natin, you need to balance it. Minsan kasi nakakalimutan na natin ang bible verse na to. Pero kung kasama natin sya sa lahat ng journey natin, siguradong magiging successful tayo.


Kung may isang bagay kang natutunan at alam mong makakatulong ito sa iba, sana iapply mo din ito. Kung natapos ko ang blog na to at natulungan kita, please repeat the process. Spare time para tumulong at gumawa ng kabutihan para sa iba, dahil in return, mas malaki ang marereceive mong blessing. 

Yung mga future post ko na lalagyan ko ng Bible verses, ilalagay ko nalang dito.



Sunday, October 23, 2016

PART 7: SUPPORT AND RESISTANCE TRADING SECRETS / REALITY AND IMPORTANCE OF TECHNICAL ANALYSIS

Im sure by now kung naiintindihan nyo na ang pagexplain ko sa mga previous post ko, you can now determine and interpret the sign of reversals of CANDLESTICKS and VOLUME. Im sure sinubukan nyo na rin iapply.

Before you continue reading, always remember my RECO ko, better paper trade muna, why? Kasi walang perfect strategy in trading, meron at merong flaws yan and you can deal with them base sa experience. You don’t need to lose big amount of money para lang matuto, kung newbie ka at magtretrade ka agad, masusunog lang ang prea nyo. PROTECT YOUR HARD EARN MONEY, kasi as you trade kahit magaling kana, don’t expect na win lahat ng trades mo, magloloss at magloloss ka. Like sa napag-aralan nyo sa candlestick trading at volume trading dito. Kapag meron kang nakitang flaws sa pagtrade mo using them, you will learn it by your own in your own experience, mapapa “ganun pala yun” ka. Magandang meron ka nang guide, alam mo na yung concept nila, mas madali mo nang maintindihan kung bakit nagkaganun. Yung mga sinabi ko doon ay ang mga pinakamahalagang info na dapat mong malaman para in case na makaharap ka ng ibang set up, maiintindihan mo na agad sila. 

Idiscuss ko naman ditto ang lagi nyong naririnig. 
“BUY AT SUPPORT AND SELL AT RESISTANCE.” 
Napakadaling sabihin right, majority of the traders ay  alam yan, bakit ganun na lang ang ratio ng mga nalulugi compare sa naggegain sa stock market? 90% are losing and 10% are only gaining.
Itry ko i-explain lahat dito ang mga dapat nyong maintindihan para mas maging accurate ang pagtretrade nyo using this strategy.



When we say support and resistance, napakabroad nyan because almost all indicators are basically used to spot support and resistance. Where you ‘buy low and sell high’.
It is the core of technical analysis.

Bago yan lets talk about the reality of technical analysis para mas maintindihan at mabalanse nyo ang pagaaral ng support and resistance.

Who makes the price move? Gagalaw ba ang price kung walang buyer or seller? Hindi right.
Tayong mga traders ang nagpapagalaw ng price.
Question, gagalaw ba ang chart at indicators kung wala tayo na nagpapagalaw?
Ibig sabihin, sumusunod ang chart at indicators sa atin. Tayo ang gumagawa ng chart at kung saan pupunta ang mga indicators. Kaya chart and indicators are made based sa “RESULT” ng mga buyers and sellers trades.
Lahat ng indicators ay nagbabase sa nangyari na, most of them are COMPUTATIONS based sa PAST to predict or foresee the future price. 
Alam nyo ba kung paano kinocompute ang indicators na ginagamit nyo? Baka naman gamit ka ng gamit ng indicator na hindi mo man lang alam kung paano yan ginawa?
Ganyan din lahat ng mga bagong screeners na nagagawa nila, they are all computations based sa past, mostly they are based din sa combination of the indicators para maiba lang.
Dahil wala ka nga namang pagkukuhanan na info sa chart kung hindi based sa nangyari na right? 
Kaya nga chart is a graphical representation of mood or emotion of the traders, or simply chart is the result of BATTLE BETWEEN BUYERS AND SELLERS.

Another question, who makes the past trades? Who will make the trades in the future? Same traders din ba? 
If chart is a graphical representation of mood and emotions of the traders, is it right to predict the price in the future base sa mood and emotions ng past traders kung sa future ay ibat ibang traders na naman ang maglalaro?
Parang pinagbabasehan mo ang iba para sa future ng iba right?

Another point, think about this, paano gumalaw ang price? Derechong pataas ba o derechong pababa ba? Hindi pwedeng pataas lang ng pataas or pababa lang ng pababa KASI LABANAN eto ng mga buyers and sellers, lahat tayo ay nagtretrade para kumita, kaya normal na may magbebenta at bibili, kung mas maraming magbebenta ay bababa talaga, kung mas maraming bibili ay tataas. At napakaraming factors na nakakaapekto sa mga traders kung bakit sila nagbebenta at bumibili. As a result sa chart, taas baba, taas baba, taas baba talaga yan at DAHIL jan normal lang na madadaanan nya ulit yung mga nadaanan nya na noon at nakakaform sya ng ibat ibang klase ng patters where you put lines or shapes na gagamitin mo sa anaylysis mo.
Click the photo to enlarge

Titigan nyo yang chart, have a pause and think a bout it, napakaraming pwedeng iguhit jan right?
Kung guguhitan ko yan, ang dami kong mapapalabas jan na kung ano ano. Kahit grade 1 kayang guhitan yan, its like connecting the dots right?
Napakadaling mag-analyze sa isang chart na nanjan na at sabihin "you should have bought here at sell here" right? Kung minsan may nakikita ako sa groups, napapangiti ako kasi bias na bias na yung analysis nila just to validate yung sinasabi nila.

Look at this photo nakita ko noon sa online, nahirapan ako ulit hanapin to para lang mailagay ko dito, gumagawa na ako ng sarili kong formations sa mga stock sa PSE pero nahanap ko naman to :D


Meron din akong nakita sa FB groups na gumagawa ng sarili nilang formations, meron pa ako nakita na ulo ng bull at kung ano ano pa.

This shows 2 things.
1. Pumupunta sila sa area na yan accidentally
2. Napakadaling guhitan ng kung ano ano KUNG nanjan na

Kaya nga maraming nagsasabi na ang technical analysis ay malaking kalokohan. Kasi naform sila dahil sa RESULT NG BATTLE BETWEEN BULLS(BUYERS) AND BEARS(SELLERS). 
Nakita nyo naman kahit nga magimbento tayo ng sarili nating formations ay pwede………

Para saakin may dalawang klaseng chartist pero hindi ko na sasabihin dito baka may masagasaan ako, pero kung matatapos mong basahin lahat tong post, madediferentiate mo sila.

Bago ba yan sayo? Nawalan kaba ng gana sa technical analysis? Sabi mo siguro, “para saan pa tong blog na to e technical analysis ang pinaguusapan dito?” Well, continue reading……..

Kailangan ko kasing sabihin ang mga yan sa inyo para MABALANSE nyo at MAS MAINTINDIHAN nyo ang paggamit ng mga indicators lalong lalo na ang pag spot ng support and resistance.


IMPORTANCE OF TECHNICAL ANALYSIS Pagusapan naman natin kung bakit importante sila, kasi para saakin, napakaimportanteng magbase sa technical analysis.
Naalala nyo pa ba yung sinabi ko sa PART 1 ng blog na “instead of asking what are the factors that makes the price go up or go down, its better to ask, what are the basis that triggers the buyers to buy and sellers to sell?”, ano ang sagot doon? Technical Analysis and Fundamental Analysis.

ALMOST ALL TRADERS ARE USING TECHNICAL ANALYSIIS. Magkakaiba ang sinasabi sa statistics pero nasa range na 75%-95% ang mga gumagamit neto.
Kung ginagamit pala eto ng karamihan sa pagtretrade nila, is it not logical or reasonable to use them also? Dahil sa marami tayong gumagamit ng technical analysis, TAYONG MGA TRADERS na ang nagpapaaccurate sa technical analysis. When the indicators says it’s a buy or sell, and more than 75% or more of the traders are thingking the same. Hindi bat mas magiging accurate ang entry mo dahil jan? Keysa sa bumibili ka o nagbebenta ka ng walang basehan? Right? 
Big players and price manipulators are also using technical analysis kasi alam nila na kung maganda ang position ng price, hindi bat mas marami silang maakit kung ganun? Sino ba naman ang maguumpisang magprice manipulate sa sobrang overbought ng stock? Maguumpisa at maguumpisa sila baba then they push it higher, as they push they also sell, and repeat the process hanggang sa tumataas ng tumataas ang price, hanggang sa hindi namamalayan ng iba nakalabas na pala sila.
Bakit ganyan kataas ang ratio ng gumagamit sa technical analysis? Dahil wala kang mapagkukuhanan na info sa chart kung hindi base sa nangyari na, kaya nabuo yan. Kung magtretrade ka, saan ka magbabase sa trades mo? Diba dalawa lang? Technical Analysis and Fundamental analysis. Kasi yung nagtretrade at nanghuhula lang, nalulugi kaya sabi nya, "saan ba dapat ako magbabase?", ang ending pupunta sya sa technical analysis at fundamental analysis. Kaya ganyan kataas ang ratio ng mga gumagamit sa technical analysis.

Dahil jan napakahalaga na pag-aralan ang technical analysis para maimprove ang trades mo.
Kaya pag-aralan natin ang support and resistance na may kasamang explanation kung bakit nangyayari ang mga yan para mas maintindihan nyo.



SUPPORT AND RESISTANCE (SAR)
Eto ang “naestablish” nang price level or area or zone kung saan tumitigil ang pag-angat or pababa ng price at nagrerevese. 
Napakabroad kung sibabi mong SAR kasi almost all na makikita mo sa chart studies are basically used to spot support and resistance.

There are 3 basic types of support and resistance, they are 
1. Horizontal - eto yung ginagamitan ng horizontal lines kasama din ditto ang fibo
2. Diagonal - eto yung mga channels, trend lines etc 
3. Dyanmic - eto yung mga non-linear like moving averages, bolinger bonds, etc

Pagusapan muna natin dito ang isa sa pinakamalakas na pagspot ng support and resistance area which is the use of horizontal lines and areas. Pinakamalakas kasi dito nakikita mo talaga yung area na naeestablish na o narereject o natetest at nagrereverse. 
Huag kayong magalala kasi maiisa isa natin yung mga yan sa 1-3 sa mga future post ko.


Support ay ang area kung saan lagging naoovercome ng mga buyers ang sellers. From the word itself,  kung pupunta sya sa area nay an ay ‘sinosuportahan’ nila para hindi mabreak at nagrereverse. 
Resistance ay ang area kung saan lagging naoovercome ng mga sellers ang buyers. From the word itself, kung pupunta sa area nayan, ‘nareresist’ sya at nagrereverse.

Nung student ka palang, im sure napagaralan mo na siguro ang law of supply and demand na basically it means kapag low supply at high demand, price increases. Kapag high supply at low demand, price decreases.
Dito sa stock market, sa madaling sabi, supply are the sellers and demand are the buyers.
Kung mas marami ang buyers at kokonti ang sellers, tataas ang price. Kung mas marami ang sellers at kakaunti ang buyers, bababa ang price. 
Hindi yung bilang o number of traders ang pinaguusapan natin dito kundi yung volume o bilang ng stock na natretrade.

Gusto ko munang baguhin ang pananaw nyo sa support and resistance. Marami kasing nawawala na kasi wala atang gustong magturo ng realities sa stock market or hindi nila talaga alam.
1.Ang pinakasekreto ng support and resistance ay ang PAG-INTINDI sa mga market participants at kung PAANO ITO NAGWOWORK.

2.Gusto kong baguhin yung lagi kong nakikita na “Ano ang exact support nya? Ano ang exact resistance nya? 
Nalilito ang mga newbies kasi puro guhit ang nakikita nila, walang explanation. Minsan yung chartist hindi rin nya alam ito.
Huag kayong magpakahirap na alamin kung ano ang exact price ng support and resistance kasi  eto ay ZONE or AREA or LEVEL ng price kung saan nirereject ng mga players at nagrereverse. Labanan ito ng buyers and sellers kaya don’t expect na merong exact price ng support and resistance. 
Ito ang dahilan kaya ako gumamit ng dalawang klaseng chart sa example ko sa PART 5 ng blog na to. Gumamit ako ng Line Chart at Candle Chart whereas magkaibang price ang tinuturo nilang support and resistance. Ang pinapahitatig ko doon ay walang exact price ang support and resistance, they are areas or zone.

3.Support and resistance reversals NEEDS to be established or tested and for higher accuraycy it needs a conformation of other indicators, kaya inuna ko ang candlesticks at volume para alam nyo kung safe na bang pumasok o hindi pa, at marami pang indicators na pwedeng gamitin at ituturo ko lahat yun dito.


How to plot your support and resistance using horizontal line at bakit more often ay nangyayari sila.

There are 2 types of horizontal support and resistance. Nasanay ako na tawagin sila sa ganito.
1.’Strong’ support and resistance or ‘Established’ Support and resistance
2.’Immediate’ support and resistance


STRONG/ESTABLISHED SUPPORT AND RESISTANCE
-At least mareject nya twice or thrice ang area ng price na yun.
-Habang dumarami ang pagreject nya or pagtest nya sa area nay un, mas nagiging mas importante sya dahil expected na, na magbabounce sya doon.
-Iconsider mo lang ang support and resistang KUNG kinokonsider sya ng mga traders. Bakit mo nga naman papansinin ang isang bagay kung hindi naman pinapansin ng iba right?
-Kailangan munang maestablish para masabi mong malakas ang tendency nya na marereverse doon.
-Mas malakas na basehan ang mga “RECENT” rejections. Ulitin ko "RECENT" rejections.


IMMEDIATE SUPPORT AND RESISTANCE
Eto yung areas kung saan nagrereverse sya na hindi pa natetest recently.
Kung pinansin sya at nagreverse ulit sa area nayan, magiging established support or resistance sya.

MAS MAHINA eto na basehan kasi kailangan munang matest ang area nayun para masabi mong kinokonsider talaga sya ng mga traders.

Ipapaliwanag ko ang relationship ng Established at Immediate SAR.
Click the photo to enlarge
Follow my explanation base sa numbers sa picture.
1. Immediate resistance palang sya, kasi hindi pa sya natest.
2. Immediate support palang sya kasi hindi pa sya natest
3. Established resistance na sya, ang immediate resistance ay naging established resistance kasi natest na sya sa area na yun at nagbounce nga.
4. Immediate support kasi hindi pa natest
5. Established resistance
6. Established support, ang immediate support ay naging established support kasi natest na sya sa area na yun at nagbounce nga.
7. Immediate resitance kasi hindi pa natest
8. Established support

Idiscuss ko lang psychology ng market kung bakit nabubuo ang support and resistance. Is it a coincidence? or there are reasons behind it?
Para mas maappreciate nyo at madagdagan yung confidence sa pagtretrade.

Marami ang types ng mga buyers and sellers, may mga long term, short term, swing traders,daily traders etc.
Though hindi natin masabi lahat ng reasons ng mga buyers and sellers kung bakit sila nagbebta o bumibili but at least malaman nyo lang kung ano ang psychology behind it.
Isipin mong nakapasok lahat yang mga types ng traders nay an sa isang stock at pumunta sa “ established support area.” 
Yung mga LONG TERM investor, they make the trade kasi meron din silang rason, pwedeng maganda ang fundamentals ng company or may inaasahan silang expansion o malakas ang pakiramdam nila na in the future ay malakas parin ang bisuness ng napili nila o kung ano man, at bumili sila tapos bumaba yung price, syempre dahil long term sila, they are now considering add more para bababa ang average nila. Yung namang mga nakabili sa mas mababa, tuwang tuwa sila kasi tama ang desisyon nila, kaya nung bababa ulit at pumunta sa strong support area, they might add more right?
Yung mga SHORT TERM traders or SWING traders na nakabili sa mas mataas na price, nakikita nila na mali ang entry nila, at gusto na nilang umalis na sa stock nayun at gusto nilang maminimize ang loss nila or breakeven man lang, eto na yung mga nagaaverage down. Aminin, alam ko maraming mahilig magaverage down jan. Kaya they are considering to buy ulit sa support area para bumaba an gave nila.
Yun naming mga undecided pa at mostly mga daytraders na hindi nakaride sa pagtaas at nag-aantay ng pullback, sa group lagi ko nakikita my nagpopost na hindi nakaride at nag-aantay ng pullback, kaya once na nagpullback, pagkakataon na nilang bumili sa support area hoping for the bounce.
Katulad ng sabi ko most of them ay pareparehas na gumagamit ng technical analyisis like support and resistance. Eto ang dahilan kung bakit more often lagging nagbabasounce sa area nay un. 
Isang explanation ay ang mga big players, kung gusto nila mag accumulate sa mas mababang price, kayang kaya ni la yan na harangan. Napapansin nyo ba minsan my biglang lalabas sa ‘ask’ na super laking ng volume, at ang nangyayari ay natatakot ang mga traders, ang kasipan nila ay “naku anjan na ang buhos”, kaya nagpapanic selling at mabilis bumababa ang price. Big players can use ‘iceberg order’ or sell patingi tingi para hindi matakot ang mga traders, bakit kelangan na ipakita ang super laking volume right? 
May tinatawag na accumulation phase(pag accumulate o pagbili sa mababang price) at distribution phase(pagbenta sa mataas na price) ng mga big players or institutions.
This means kung kaya nilang supportahan ang price level nay an o harangan ang price level na yan, kayang kaya nila.
Sa madaling sabi, ang support area ay kung saan maraming buyers ay willing to buy at ang resistance level ay ang are kung saan maraming sellers ay willing to sell.

So is it a magic? coincidence? At least ngayon may idea na kayo..


Paano naman ang broken support and resistance?
Dito na nangyayari na ang support becomes resistance and resistance becomes support.
Click the photo to enlarge

Kung nabreak ang resistance at tumaas ang price, ang dating resistance ay nagiging support at nakakabuo sya ng bagong area of resistance sa taas.
Kung nabreak ang support at bababa, yung area ng dating support ay nagiging resisitance at nakakabuo sya ng bagong support.

Though hindi naman eksaktong ganyan ang nangyayari pero at least aware ka sa level na nabreak kung yan ba ay magiging mahalagang area ulit para sa mga traders.

Paano naman kung nabreak ang immediate support and resistance?
This only means na hindi pinapansin ng mga traders ang area nayon, bakit mo papansinin kung hindi pinapansin ng karamihan right? 

I will be adding more topics sa ibang ipopost ko like sa SAR BREAKOUTS. Mahaba haba nanaman kasi yan. 



ENTRY AND EXIT:

Saan ang entry at exit natin using support and resistance?
Dito laging nagkakalituan, depedepende ang entry at exit ng mga traders kasi magkakaiba ang mga strategy nila, nanjan ang daytrader,swing trader, long term traders. Kaya magkakaiba talaga ang entry at exit nila using support and resistance.
Sa mga daytraders, kadalasan hindi nila pinapatulog ang stock sa port nila. Sa mga long term traders naman syempre matagal yan kaya pagusapan natin dito ang entry at exit ng mga swing traders or range traders, ganito ang entry at exit.

Ang pinakamahala na kasama sa trading plan mo ay ang RISK REWARD RATIO
At napakaganda ang SAR kasi ang risk mo ay laging mas mababa compare sa reward mo kasi nasa support level ka, kung binababaan nya ang support, you sell agad. At habang hindi pa nya binababaan, kampante ka at inaantay mo na pupunta sya near resistance.
Kaya ang strategy na buy near support at sell near resistance ay napaeffective.

Example tayo sa actual trading. This is for study purposes lang, wala akong NOW.
Click the photo to enlarge
Kung titignan mo ang mga support and resistance sa chart, napakadaling sabihin you should have bought here and sell here diba? Pero hindi yan ganyan kadali nung hindi pa nabuo ang chart.
Look at #1 and #2 sa chart.
Nagtest buy ka dapat sa near 1, why? Kasi meron ka ng immediate support sa A, at kung titignan mo sa 1, malakas talaga ang posibility na magreverse sya dahil twice pa nyang tinest.
At you sell near sa 2. why? kasi meron ka ng tinitignan na immediate support jan.
Honestly speaking sa #3, kung sinusubaybayan ko si now, magtetest buy ako jan, why? Kasi established/strong support na yan, i will be expecting na magbabaounce jan. Pero failed bounce kay magsesell agad ako pag nabreak ang support area.

Kahit nasaang pahase ka(accumulation or distribution) pwede kang kumita sa swing or range trading.

Yang example natin kay NOW ay "SMALL RANGE" of SAR lang.

Hindi bat sinabi ko na isa sa pinakamahalaga sa trading plan mo ay ang risk reward ratio diba. 
Marami din kasing trader ang MAS MALAKI ang range na pinagbabasehan nila sa SAR.
Like for example kay MEG.
Click the photo to enlarge


Ganito ang ginagawa ng iba lalong lalo na kung bullish ang market.
Nung pumunta sa support area at nireject nya, they buy. 
Ang pinaguusapan ay risk reward ratio, sa support sya bumili kaya konti lang ang risk, kung mabreak ang support, sell agad sila right?
How about sa reward? Eto na yung sinasabi ko na mas malaki ang range na inaantay nila, they even wait hanggang maabot nya yung pinakamataas na resistance jan.
Its about risk reward ratio at time ang kinokonsider dito, kasi walang makakapagsabi kung kelan nya aabuting ang range na yun, what if 3mos?ilang % gain lang yun in 3 months? What if sa 3months ay hindi umabot doon at brineak ang support? You waited for 3 months para sa cut loss right? 
Kaya depedepende din sa kung ilang stocks ang hawak nila, depende sa strategy nila, depende sa availability ng time nila to trade. Maraming reasons pero sinasabi ko lang eto para mabalanse nyo yung decision making nyo at kung saang strategy kayo pwede base sa availability nyo. 

Kelangan pa ba natin ng additional examples? I think malinaw na ang pagexplain ko sa lahat at kaya nyo ng iapply yan sa ibang stocks. I will be giving more examples kapag naexplain ko ang isa pang indicator na napakahalagang ginagamit ko. 

Hindi ako nagseset ng exact target profit or TP. Rather I use other indicators for Sign of Reversal.
Kasi kung aantayin mo na pupunta sa exact TP mo, honestly speaking, walang makapagsasabi kung pupunta jan o hindi kahit naestablish ng resistance area yun. Maraming nangyayari na nakakapagpabago ng price, kaya kahit naeestablish na yan, wala kang makikitang ganito na nagsasideways sa iisang range.
Click the photo to enlarge
Ibig sabihin nyan kung pumasok ka sa support dont expect na 100% aabot sya SAR, para saan pa ang candlesticks at volume at iba pang indicators right? Kaya kung nakikita mo ng magbababounce na, why not sell na with gain kasi pwede naman magbuyback. Or magtest buy na sa support kung lahat ng indicators mo ay sinasabing buy na.

Ipopost ko din yung iba pang strategies ng pag exit sa mga susunod na post ko. Mahaba haba nanaman kasi yun.

Maliwanag ba lahat yan? Naintindihan nyo din ba?

After reading all those. 
QUESTION: Saan ka bumibili?
Sa support? O sa resistance? 
Maraming nagpapakita ng port nila saakin laging sa resistance ang entry. 
Bakit nga ba? 
Simple lang, mahilig ang tao sa “kung saan ang marami”, kung saan ang matunog, kung saan ang sikat at pinaguusapan. 
Kailang kadalasan nagiging marami ang buyers? Kung malapit na sa resistance area. Ang area nan yan ang time na nagiging matunog ang isang stock kaya marami talaga mapapabili.
Kung nasa support, hindi gaano pansinin, yung mga nakakaintindi lang sa market ang kadalasan na namimili dito.

Naintindihan mo na ba? Maliwanag ba? Saan ka na ngayon bibili? Sa resistance are parin ba? :) 

Sa mga susunod kong ipopost dito, ipapaliwanag ko ng maigi ang pinakafovorite ko na ginagamit na indicator sa pagbili ko for my swing trading. Kung ano ang mga tinitignan ko, paano ko sila madali nakikita sa dinami dami ng stocks at paano ako bumibili at nagdadagdag….


Add ko lang to;
-Huag nyong imemorize, intindihin ninyo
-Dapat mong maintindihan na ang stock market ay LABANAN ng mga buyers and sellers at tayong mga traders ang nagpapgalaw sa price, at napakaraming dahilan at nakakaapekto kung bakit tayo bumibili at tumaas, as a result talagang taas baba taas baba ang price
-Huag puro guhit lang sa chart. Walang successful trader na nagbabase lang sa chart alone, why? ang PINAKAMABIGAT na factor na nakakaaffect sa price ay kung ano ang nangyayari sa company, kaya huag puro guhit. Some claim they are only basing sa chart alone, they call themseleves a chartist, but you can see them analyzing disclosures, news, financial statements, etc etc :) thats Fundamental Analysis already :) .
-Ang isa sa mga dahilan kung bakit nalulugi ang mga traders ay ang GREED. Don’t expect na makukuha mo lahat percentage ng gain kapag tumataas. Dahil walang nakakaalam kung magtutuloy pa yan o hindi. Prenepredict lang natin using our analysis base sa mga indicators. 
Kahit nga price manipulators ay natatalo dahil marami ang mga big players sa market, tayo pa kaya na nakikiride lang right?
Kaya huag kang maghinayang kung tumuloy pa o hindi na, gain is gain. In this process, knug nauulit ulit na ganyan, mamamaster mo din yan hanggang sa matututo ka at maminimize ang premature selling o maagang pagbenta.
Huag mong hayaan na gain na nagging bato pa.
-Maganda din kung may account kayo sa ibat ibang brokers. My account for swing trading ay BpiTrade, for daytrading or scalping ay Timson at for my strategy na my highest accuracy in trading ay COL ang ginagamit ko.
Sa ganitong way hindi ko nagagamit ang lahat ng pera ko in 1 strategy lang. At nakikita ko kung saang strategy ako nageexcel. 
Ang pinakaimportante, bawat broker ay may kanya kanyang magandang naiioffer. Like for BPI, napakadaling magtransfer ng fund, online lahat, derecho na sa savings acct mo kung magwiwithdraw ka. Sa Col naman, marami kang kailangang info na madali mong makita sa kanila. Sa Timson naman, real time talaga at super ganda at very useful ang platform nila, you can even customize and save your preffered layout. Pang daytrading talaga. As in napakaraming meron ditto na wala sa iba.

Im hoping na naintindihan nyo ng maigi yan. You can PM me kung my questions kayo.

Saturday, October 8, 2016

MY RECO

How to stop your losses and turn it to gains.

Marami nagtatanong what stock to play, marami nagsesend ng loss nila, yung pinakamalaki ang loss na nagsabi ay more or less 80% daw ang naloss. Yung pinakamalaki naman na nagsabi ng nagain nya na newbie is 158% gain daw, WOW! nakasakay sa ceiling play eto! BUT same story sa mga nagsabi na naggain, naubos din sa mga sumunod na trades. Mostly ay 20-60% ang sinasabing loss nila as of now base sa mga nagmemessage sakin. Yung iba nag start lang early this year. 
Yes karamihan sa mga newbies ganyan ang kwento. 

Kung isa ka sa mga yan, sana makatulong ang RECO ko sa inyo, reco ang ginamit ko na word kasi ang daming reco sa mga FB groups na stocks, sa dinami ng reco ng mga genius at mga gurus, bakit nalulugi parin ang mga newbies? 

Iba iba ang way kung paano naintroduce satin kung bakit tayo nagdecide to trade in the stock market. Pero kung nanjan ka na nagtretrade, pwedeng hindi nyo napapansin pero bakit kaya habang nagtretrade ka ay parang mas naakit ka na magtrade lalo, kasi nakadesign sya na akitin ka nya to engage talaga, why? Kasi nakikita mo kung gaano kadaling kumita kasi nakikita mo yung mga nasa top gainers, sasabihin mo “kung pumasok ako jan ung 50,000 ko nagging 70,000 na sana ngaun in very short period of time lang”, “yung 100,000 ko nagging 140,000 na sana”, “ung 500,000 ko nagging 650,000 na sana”, “yung 1,000,000 ko  nagging 1,500,000 na sana” etc sa very short period lang. 

Saan ka naman makakakita ng ganyang kalaki ng rate of return(ROI) ng investment mo. Ang bangko ni hindi kayang magbigay ng interest na 5% in 1 year. Sa stock market isang araw lang yan pwede.

Kaya habang tinitignan mo yung mga top gainers daily, naakit ka, 5%-50% increase in 1 day ang mga nakikita mo, maakit ka talaga. 

Yung iba nga kung inaalok ng pag-iinvestan na mataas ang ROI ay minsan umuutang pa sila para lang makainevst doon. Minsan scam pa pala :D

Kung ano man ang plan mo for engaging in the stock market, kung daytrading, short term o longterm.
Ipapakita nya sayo ang laki na pwede mong kitain araw araw.
Kung long term ka, ito ay passive income, your money works for you. At very promising investment kasi ang ratio ng ROI ng PSEI ay tinatalo nya ang inflation rate at ano mang investment institutions like banks etc.

Ganyan kaakit akit ang stock market.

Karamihan na nasa groups are active in trading, mostly are daytraders at short term traders.
Alam nyo ba ang ratio ng mga common newbies sa WIN/LOSE trades ay 1:4.
In 5 trades,  meron lang 1 winning trade, lugi sa apat.
Kung may 20 trades ka na, ilan na ang lugi mo? You win in 4 trades but you lose ing 16 trades. OUCH!
Once kasi na nalugi si newbie, gusto nyang bumawi agad, kaya trade ng trade.

Knowing those, ano ang ibig sabihin nyan?
It means habang dumarami ng dumarami ang trades mo, mas lumalaki pala ng lumalaki ang lugi mo. 

PAANO MO IIWASAN ang ganyang pagkalugi?

THIS IS MY RECO:
1.IF YOU ARE A NEWBIE, DON’T TRADE! Sabi nyo siguro, ‘paano ako matututo kung hindi ako magtretrade, experience is the best teacher!’, tama naman but continue reading...
2.PAG-ARALAN MUNA NG MABUTI KUNG PAPAANO KA KIKITA SA MARKET, dahil sa stock market, kung gaano kadaling kumita, MAS MADALING MAGSUNOG ng pera. It means kung hindi mo pa alam kung paano ka kikita at nagtrade kana agad, masusunog talaga ang perang pinaghirapan mo. Kaya mag-aral muna.
3.MAGPAPER TRADE muna, instead of using real money, lets say for example may nakita kang stock na my good entry, instead of making the trade sa broker mo, sa notebook or pc or cp or any gadget mo gawin yung ENTRY mo, at ganun din sa pag sell, isipin mo na parang binili mo talaga, kelan ka magbebenta?Sundan mo din, don’t cheat yourself. 
Use 'different strategies' na na napag-aralan mo, gawa ka ng statistics ng paper trading mo, kung saan ang strategy na nakikita mo na mas marami kang gain, stick ka strategy na yun.
Kung yung strategy mo na yun ay magagawa mo lang in 1-3 trades a week, or even 1 trade a week lang, stick with that! Bakit mo babaguhin kung kumikita ka? 
Dont expect a perfect strategy, napag-sapan na natin to, magloloss at magloloss ka, ang importante ay how you manage it.
4.TRADE ONLY kung my nabuo ka ng trading plan/strategy na succesfull sa pagpaper trade mo. 
malaki naba nagegain mo compare sa loss mo?Kung nakikita mong kaya mo na, then trade BUT use only small amount of money muna, kung nakikita mo ng OK na then you can add.
5.NEVER EVER BUY TO ANY GURUS RECO STOCKS sa mga FB groups, sabi ko don’t trade kung wala ka pang successful trading plan/strategy, ngayon you engage na in trading, bakit ka pa makikinig kung my sarili ka ng system/plan/strategy in trading na successful right? TREAT those recos as screener only, analyze them by yourself. MALAY MO MAS MAGALING KA NA PALA COMPARE SA GURU NA YUN!  :D May kanya kanyan intention ang pagrereco sa mga groups, minsan ay legit, minsan ay pansariling interest lang. Sorry pero yan ang reality. Kaya gawin mo lang silang screener.
6.YOU WILL NEVER BECOME A SUCCESSFUL TRADER kung nagrerely ka sa iba.Pansinin nyo, yung mga magagaling na traders nasaang level sila?sila ba yung mga nagrerely sa iba? Hindi. Kaya kung gusto mong kumita sa stock market, dapat you can rely ur trades SA SARILI MO MISMO.
7.Kahit ilang taon ka nang nagtretrade at natatanong mo pa sa sarili mo ang tanong na to “bakit kung bumibili ako saka naman bumabagsak?” –this is a very strong sign that you are still a newbie, im sorry, huag sana maoffend but its true. I recommend stop trading muna habang may natitira pa sa port mo kundi mauubos yan, I recommend sundin mo din ang #1-6.

Kung gusto nyong hindi masunog lahat ng laman ng port nyo, yung mga pinaghirapan nyo. I recommend follow these. Pero nasa inyo parin ang decision, its your hard earn money naman not mine. PROTECT YOUR HARD EARN MONEY. Unless isa ka sa mga pampalipas oras lang ang pagtretrade :D

This blog will teach you different strategies in trading. At lahat ng alam ko ilalagay ko lahat ditto, all-out! Walang tinatago. Maipopost ko yan paisa isa. Idedesign ko ito in a way to make you become independent trader.
Ivisit visit nyo nalang tong blog kasi baka hindi ko maipost sa FB group ang updates dito.

Hope this helps, alam kong mahirap gawin to pero this might be the best way you can stop those loses. Katulad ng sabi ko, nasa inyo parin ang decision.

Friday, October 7, 2016

PART 6: TRADING VOLUME BREAK OUT PULLBACK (PROPER ENTRY AND EXIT)

Continues of volume trading....

TRADING VOLUME BREAK OUT PULLBACK

Basahin nyo lang ito kung nabasa nyo na yung previous post ko na VOLUME TRADING para maintindihan nyo kasi katuloy nya eto.
Kung nabasa nyo na, MOSTLY, ano ang sumusunod na candle after VOLUME BREAK-OUT? Mostly red candle right?
Click the photo to enlarge
If this happens, tignan nyo ang kwento ng mga volume nila. Ilagay nyo sila sa watchlist nyo dahil malaking gain nanaman ang nag-aantay jan. Kung nag SOR at sure na sure na ako minsan nakaka 6digit gain pa ako jan pag nagbounce.

Lets go with the different cases.
Take note, ulitin ko be very carefull with the cross trades, baka naman pinalaki ng cross trade yang volume break-out, napagusapan na natin to.

Click the photo to enlarge


ooOOOPS! Teka muna, analyse mo naman muna by yourself kung ano pagkakaiba nila bago mo ituloy basahin to.
You can print that para mas masundan mo habang ineexplain ko, nakakhilo kung binabalik balikan mo.

CASE 1(Please refer sa picture)
After volume breakout, 
1.nasundan ng ‘bigger’ red volume yung volume break-out.
2.bumaba ang price PERO maliit lang ang binabaan nya, look at the price candle
Ano ang interpretation nito? 
-It means nagkaroon ng HEAVY SELLING, BUT nagkaroon parin ng increasing interest ang mga buyers(bulls) sa 'mataas' na price kaya hindi naibagsak ng husto ang price, look at the red volume,anlaki, pero mas marami ang gustong magbenta to take profit kaya naibaba ng konti ang price.
Ano ang impact neto kinaumagahan?
-Normally maski kayo siguro, after a red candle, hindi na kayo magiging aggressive o hindi na ganun kataas ang interest nyo para bumili sa stock na yun right? Makikiramdam muna kayo right? Kaya kadalasan nasusundan pa eto ng red candle, pero hindi nman lagi, pedeng green cadle na maliit or kung bobombahin pa ng mga big players, pwedeng maging big green candle ang susunod.

CASE 2(please refer sa picture)
1.nasundan ng ‘bigger’ red volume yung volume break-out.
2.bumaba ng husto ang price, halos magkaparehas sila ng laki sa candle ng price nung nagvolume breakout
Ano ang interpretation nito?
-Nagkaroon ng HEAVY SELLING and buyers are not that aggressive to buy at higher price and sellers are willing to sell at lower price, eto na ung sinasabing, ‘takbuhan na’, sige buhos, panic selling. Iba eto sa case 1, dito hindi nagkaroon ng increasing interest ang mga buyers at higher price like case 1, dito sellers can buhos or sell even sa lower price, super talo ang buyers dito. Unlike case 1 na naglabanan ang buyers at sellers sa mataas na price. Very big difference sa interpretation pero sa size of volume ay same right? 
Maliwanag ba?kailangan mong maintindihan maigi yan.

CASE 3(please refer sa picture)
1.nasundan ng near more or less than 50%  red volume yung volume break-out
2.bumaba ang price near more or less than 50% ng price candle nung nag volume break-out.
Ano ang interpretation nito?
-It means nagkaroon ng decreasing interest sa stock dahil sa pressure of selling at bumaba ang price. Dito maraming naghold, compare the size of volume breakout at yung sumunod. Nasa more or less 50%. Maraming ipitz kasi sa volume breakout karamihan na transaction ay nasa taas.

Sinadya kong 3 cases lang ang ilagay ko jan to test u kung naiintindihan nyo talaga ang mga yan.
Can you answer this?
1.look at the picture of case 2, what if ganyan ang price candle nya, pero yung volume nya ay nasa near more or less 50%?
2.kung masasagot nyo yang #1 alam ko ng kahit bali baliktarin nyo na yung mga sizes nyan after volume break out ay maiinterpret nyo na. 

Sa pag-intindi sa mga CASES nayan, mas madali nyo ng intindihin yung mga differences ng mga examples natin sa actual trading.

Maliwanag na ba ang mga yan? Ulitin nyo muna kung hindi pa. Maganda din kung alam nyo kung ano nangyayari right?



LETS GO WITH THE EXAMPLSE SA ACTUAL TRADING AT PAANO KIKITA JAN.
Paano ang entry(buy) at exit(sell) sa mga yan?


Click the photo to enlarge
PRINT the photo para mas maintindihan nyo habang ineexplain ko, malilito lang kayo  kung habang ineexplain ko ay balik balikan nyo tong photo, apply it sa lahat ng photos. Gusto kong maintindihan nyo yung concept neto.

Katulad sa anong CASE eto? This can fall under CASE 1.
oooOOOPS!tumaas ba kilay mo? Baka sabihin mo, 'ah hindi a,
 alaki ng price candle after the volume breakout, yung CASE 1 ang liit.’
Yes your right IF yung pattern lang ang iniintindi mo, 
BUT kung yung concept ang inintindi mo, it will fall under CASE 1.
Why? Look at the closing price ng volume breakout, and look at the closing price ng sumunod na candle.
This means bumama ng konti ung closing ni #2 candle compare sa closing ni #1 canle. 
Which means looking at volume B, lumaki yung vol, nagkaroon ng strong interest ang mga buyers sa higer price BUT nagkaroon ng HEAVY SELLING, maraming nagtake profit,  pero lumaban ang buyers sa higher price at hindi nila pinabayaan na bumaba ng husto till closing, konti lang ang binaba ng price compare sa closing ni #1 right?

Sa sumunod na araw, candle #3, mostly after heavy selling ang susunod na candle ay red. Look at volume C, lumiit ng husto, nagdecrease ang interest ng mga buyers na bumili sa mas mataas na price. 

Take note, eto ang importance ng pinagusapan natin na CASES, hindi bat andaming buyers na lumaban kay vol B sa mataas na price? Then bumagsak ang price with volume C na maliit, it means MARAMING nakahold. In this case kung yan ay nasundan ng SOR, mas aggressive sa bounce the following day ng SOR kasi maraming bagong pasok na naipit sa taas, sasamahan ng mga big players na nasa taas pa to push the price up. 

Did you remember my post dito noon about sa trade ko dito? Sabi ko, sa day mismo ng SOR, bakit mo pa kakailanganin ng confirmation kung sigurado ka naman. Look at volume D, maliit yan, do you remember yung sinabi ko na may small volume na strong buy? In this set up, yan na ang isa dun. Very strong close kasi yan noon.

What happens next?

Click the photo to enlarge
Oh naiprint mo na bay yang picture? Mahihilo ka kung hindi pa.

BOOOM! Look at that powerfull bounce, what a kick! Gap up plus rally,  from 3.35 nag open sa 3.50 plus rally umabot agad sa 3.70, from 9:30-9:45 palang my 9% kana. Nagsesell agad ako jan sa rally kasi normally bababa ulit bago tataas. Naala nyo siguro yung sinasabi ko, trade at 3pm, sell at the opening plus rally. Yang mga ganyang set up yun. Easy money right? 

Tignan natin ang katuloy kasi pwede parin kumita jan.

Look at volume AB, compare it to volume CD, same story pero lumiit lang. Pero malaki parin yan compare it to the candles ng previous months. Anong sumunod na canle kay D?same story sa sumunod kay B, same with the price candle, look at the price sa volume ni D, hindi bat lumaban ang bulls sa taas, at sa taas nanaman sila naglabanan? Same story sa price ni volume B right? Same set up, same strategy with the entry(buy) and exit(sell) kasi kahit papano malalki parin ang volume at interms of interest, same story sila.

Look at volume EF, iba na ang kwento,  look at volume F, compare it to volume E, though lumaban ang bulls sa taas pero decreasing interest na,lumiit si F compare kay E. 

Then look at SOR 3, ooOOOPS! paanong naging SOR yang 3?
Kung pattern ng candlestick ang sinusundan mo, parang hindi nga SOR right? BUT kung ang concept ang iniintindi mo, it is a SOR,
why? Look at the price of volume F, hindi bat bumaba, then biglang sa price(not the volume) ng volume G ay tumaas, it meas, nagkaroon ng push ang mga bulls, good sign yun para tumaas kinaumagahan. 
Kinaumagahan, tumaas ulit, nag doji ang look at the volume ng H kung kelan nag doji. Mas malaki compare kay G. It means nagkaroon ng increasing interest ang players. 
QUESTION: How will you know if it is still safe to continue or not?
LOOK AT THE VOLUME, look at the arrow na may nakalagay na decreasing volume, komokonti na ng komokonti ang interest ng mga market participans AT nasa 52week high ang price. Talagang bababa yan in that kind of set up. Kailangan mong makakita ulit ang strong interest or big bullish volume or inreasing bullish volume na malaki laki like C at D jan para masabi mong interesado pa ang mga buyers sa level ng price jan. Nasa summit ka na! Resistance level at decreasing volume, kung hindi ka pa umalis jan, yari!

Maliwanag?
EASY 8%, 12% ayaw mo pa, if nakapasok ka sa 2 trades jan sa SOR 1 at 2, may 20% ka na. Kahit magsell ka near opening kung malakas yan sa closing you can sell na, sapat na yun at pasok ulit sa nxt SOR.

Malinaw ba?Ulitin mo kung hindi. Malaking tulong yung pagprint mo ng picture habang binabasa mo ang explanation ko. Mahirapan kang intindihin kung baliknalikan mo.

Lamang na lamang ka kung naiintindihan mo ang ang nangyayari right? Kung 100% naiintindihan mo yan nakangiti ka na dapat ngaun. 'Ah ganun pala yun' sabi mo siguro, NAKS! :)


Another EXAMPLE:
Click the photo to enlarge
Katulad ng anong case eto? Katulad ng sabi ko kung naiintindihan mo na yung example natin sa CASE 1-3, kahit balibaliktarin mo na ang mga yan, maiinterpret mo na. Like this one kay Med, wala sa Case 1-3 kasi yung volume nya mas maliit ng konti sa volume break-out BUT alam mo ng lumaban parin ang buyers jan, marami parin ang bumili(look at the colume) though mas malakas ang buhos.

Ayan nanaman ang SOR, paanong naging SOR yan?kakapaliwanag ko lang sa taas right? 
After volume breakout tapos nagpullback, ang inaantay natin ay yung SOR para mag bounce, at Sign yan na magbabaounce kasi it means kaya ng itulak ng buyers ang price, hindi na ganun kalakas ang buhos, nanalo ang bulls(buyers), kaya sign na yan na pwedeng magbounce na. 
Katulad ng sabi ko, yung concept ang intindihin nyo, hindi ang pattern.
Saan entry for test buy? Sa closing ng SOR.

Then after SOR, booOOOM! Look at that kick! Gap up plus rally. Very strong close kasi yan noon.

Saan ako umexit? Sa gap-up plus rally. Naipaliwanag ko ng kung bakit.

Easy 10-20% right?Kahit sa gap-up+rally ka lang magbenta nakuha mo na ang 10% plus na gain. Easy trade right?



FAILED BOUNCE naman tayo. Paano ang entry at exit?

Click the photo to enlarge
Katulad sa anong CASE eto? CASE 3.
After volume breakout(A), kinaumagahan bumaba ang price(#2) more than 50% ng previous cande(#1). 
At ganun din sa volume, compare volume A and B. It means nagkaroon ng decreasing interest. At marami ang naghold, ayaw nilang magbenta sa masyadong mababang price.

The following day sinundan ulit red candle(3), look at volume C. Nagdry up na ang sellers, konti na ang gustong magbenta sa price na mababa. 

Kinaumagahan, candle 4. Nag SOR, eto yung gusto ko na SOR, yung maliit lang at maliit lang din ang volume, bakit? Kasi mas madali mong malaman kung magfail ang SOR o hindi dahil mas mabilis mong malalaman kung magkakaroon ng increasing interest/increasing bullish candle dahil sa ilang minutes palang sa opening kasinlaki na ng volume ang volume ng SOR kung successfull bounce, at makita mo ung buying pressure na malakas, maaga palang alam mo ng confirmed ang SOR. Unlike kung anlaki ng volume ng SOR, malalaman mo na nagkaroon ng increasing interest KUNG malalagpasan nya yung volume ng SOR, it takes time kaya mas gusto ko ung mas maliit.

But dito sa example ay failed SOR. Look at candle number 5, bumaba,look at the volume E, instead na you are hoping for inceasing interest, wala, masmaliit si E compare kay D at red pa, bumama.

How will I trade this?
I stick with my strategy, I test buy sa SOR near closing, sisiguraduhin kong SOR yan kaya near closing ako bibili. 
Kung gaano karami?depende sa aggressiveness ng buyers at sellers sa SOR candle. 

I buy because I am hoping for the bounce right? Kinaumagahan sa pre-open palang, grabe ang tamlay!haha Anong ginawa ko? As one of my golden rule, sell agad, bumili ako because i am expecting na magiging aggressive ang mga buyers kinaumagan kaso di ko nakita, maghohold pa ba ako?NO, sell agad. 
But there are cases na hindi ko agad isesell KAPAG MAHINA ANG BUYING PRESSURE SA PREO OPEN palang.
In wahat cases?
1. Kung mag gap-up sya tapos mas malakas ang bid comapare sa mga ask, it means konti ang gusto magbenta sa mababang price at marami gusto bumili na nakabid.
2. Hanggat hindi nya narereach ang price na pinambilhan ko sa closing,

I will sell immediately kung tataas. Kasi normally sa ganitong situation, bababa din, pero hindi naman lahat, may magtutuloy pa nga e, pero why will i sell na? Kasi hindi present yung inaasahan kong buying pressure at nag gain na ako, magsisisi ba ako kung  tutuloy? NO. Makakapasok ka naman ulit kung makita mo na malagpasan nya ang volume ni candle D.


Napagaralan na natin kung ano ang ginagawa natin sa Volume breakout palang. Pero hindi ko ata naexplain si ANI sa volume break out trading. Itackel natin konti. Kung my position ka sa Volume break out at naghold ka hoping for the kick kinaumagahan. Sa pre open palang, makikita mo ng walang kick sell agad, kasi hindi mo nga nakita yung reason kung bakit hinold mo pa.
dapat kung my kick yan ay nag agp up sana, pero makikita mo sa pre open palang na wala. Alam mo ng bababa ya, kung matigas ulo mo at naghold ka hoping for the bounce? OUCH! Mostly anong candle ang susunod after volume break out? Red diba? Kaya kung naghold ka, nagging red din port mo.

Another EXAMPLE:
FOOD - same story with ANI, kayo na maginterpret jan, kung naiintindihan mo si ANI dapat alam mo ng iinterpret yan.
Click the photo to enlarge

Malinaw ba lahat? Naintinhidan nyo na ba? Ulit ulitin nyo lang kung hindi pa. 

Sa mga newbies, again, don’t trade agad, study muna, intindihin muna maigi, paper trade muna bago real money, kung ok na saka real money pero small amounts muna, kung ok na talaga saka lang big amounts.



TIPS:
-FOLLOW YOUR PLAN/STRATEGY STRICTLY! 
Nagtest buy ka hoping for the bounce, ano gagawin mo kung Makita mo ang tamlay, walang aggressiveness na mikikita sa mga buyers. O kaya kung bumaba na. Huag magbase sa HOPE, HOPE is not a strategy.
"malay mo mamaya may bomomba" sabi ng iba, yang mga yan ang dahilan kung bakit maraming nalulugi. 

-HINDI LAHAT NG SOR ay successful, its how you manage kung magfail.

-KUNG NAG GAIN KA NA, SELL WHEN HAPPY, DON’T LET YOUR GAIN TURN INTO A LOSS

-WALANG 100% perfect interpretation, kaya my fail at successful bounce. Why? Anytime pwedeng my lumabas jan na magsell na malalaki or pwedeng hindi lalaruin ng big players, babagsak talaga yan, ganun din kung may lalabas jan na big players na mamamakyaw, talagang tataas yan. 

-IEMPHASIZE KO ULIT, FOLLOW UR PLAN/STRATEGY STRICLTLY

-HINDI yung pattern ang tignan nyo, intindihin nyo ang market participation. Walang successful trader na hindi nya naiintindihan ang market psychology, interpretation of market participation.