Sunday, September 18, 2016

PART 4: CANDLESTICK TRADING

The main purpose of this blog is to teach you how to maximize your gain EVEN the market is BULLISH(pataas) or BEARISH(pababa). 
Magugulat kayo dito sasabihin ko that i dont care if the market is bullish or bearish. Maraming traders ang sumasabay lang pag bull market, pero para sakin na eto lang ang source of income ko, hindi pwede yan. Base in my years of experience as a fulltime trader, walang effect saakin kung bull market or bear market, and my trades proves it. Kung nakikita nyo yung mga pinopost ko sa group na trades ko, easy 3%, 4%, 5%, 8% gain or more, bearish o bullish man ang market. Im not being boastful, i just want to emphasize na maraming ways para kumita kahit nasaang trend ang isang stock.
Matututunan nyo yan dito.

Kaya lets start sa technical analysis....


CANDLESTICK TRADING:

Candle - ay isang chart style kung saan sinasabi nya kung ano ang OPEN at CLOSE price, HIGHEST at LOWEST price sa isang trading day(daily chart). Marami ang chart sytle,
nanjan ang cadle, bar, line, mountain etc etc. Pero magfocus tayo sa canlde kasi yan ang ginagamit ng karamihan.
Click the photo to enlarge
Bullish candle(green) means tumaas ang price. 
Bearish candle(red) means bumaba ang price.

Marami ang klase/itsura ng candles, depende kung saan sya nag open at nagclose.


Click the photo to enlarge
Bago natin ituloy, ang Candlestick Chart ay ginagamit na noong 18th century pa, founded by Mr. Munehisa Homma. He is a Japanese kaya Japanese Candlestick ang tawag.
Then naintroduce ito sa stock market at nakabuo ng mga patterns based sa supply and demmand at emotion ng traders para malaman kung saan pupunta ang price.
Bakit ko sinasabi ito? Kasi HINDI ko kinukuha yung credit, nanjan na yang mga patterns noon pa! Nandito ako para ituro sa inyo lalong lalo na yung mga hindi pa nakakaalam at ituro yung mga strategies. Kaya kahit matagal ka na sa pagtretrade ay makakatulong parin ito sayo.

Sa candlestick trading, primarily para eto sa entry(buy) at exit(sell) natin, tinitignan natin dito yung Sign Of Reversal(SOR) kung tataas na ba o bababa ang price maski nasaang trend(bullish or bearish). 

Sa mga SOR patterns, dito nagkakalabuan at nalilito yung mga iba. 
"SAAN AKO BIBILI(entry)?"
"SAAN AKO MAGBEBENTA(exit)?"
"KUNG FAILED SOR AT NAKAPASOK AKO, SAAN ANG CUT LOSS KO?"


Para mas maintindihan ang mga tanong yan, let study the Sign of Reversals (SOR).
Katulad ng sinabi ko, matagal na tong mga to kaya huag natin baguhin yung tawag sa kanila para maiba lang. 
Pero hindi yung names ang importante dito, it is on how to understand, analyze, interpret and use them in our trades successfully. Kaya sa SOR patters tayo magfocus hindi sa names nila at kung saan sila galing.

First of all, para mas maintindihan nyo sila, ano ba tong Sign Of Reversals na to?
Sila ay "WARNING/ CAUTION/ SIGNAL/ SIGN" na pwedeng magbago o magreverse na ang isang trend(uptrend or downtrend).
Lahat ng SOR, makikita man sa uptrend o sa downtrend, it only means na biglang nagkaroon ng 'MAJOR' change na resulta sa labanan ng bulls(buyers) at bears(sellers) kaya nabuo ang SOR patterns. At napakahalagang pansinin mo yan, kasi para saatin na traders, "ooOOOOPS! my pera jan!"haha 
Ang pinakamalakas na SOR na huag na huag nyong mamimiss ay ang 'Kickers'. 

Let study them 1 by 1...... 

DOJI - is a reversal candlestick signal that simply means nag-open sya at nagclose at the same price. it means walang panalo o talo sa labanan ng bulls(buyers) at bears(sellers). It means indecision. Kaya kung makita mo sya, sign, signal, warning sya na pwedeng magbago ang trend. 

6 types of doji:
Click the photo to enlarge

Ang DOJI ay nagdedepende kung saan nakaposition, kung makikita mo sya sa UPTREND, sign yun na pwedeng bababa ang price, kung makita mo sya sa DOWNTREND, sign yun na pwedeng tataas ang price


Click the photo to enlarge


click photo to enlarge



Click the photo to enlarge


Sinadya ko na yung maiiksing trend lang ang ilagay dito kasi karamihan saatin ay daytraders at swing/short term traders. Para makita nyo yung effect nya kung bumili ka few ticks above the SOR candle o nag-antay ka ng confirmation candle.

Dragonfly doji(bullish) vs Gravestone Doji(bearish)
Click the photo to enlarge


Para hindi nyo malimutan ituring nyo ang doji star, rickshaw man doji at long legged doji na dragonfly or gravestone. Tumaas ba kilay mo?haha Bakit ko sinabi to? Dahil meron akong gustong i-emphasize at gusto ko hindi nyo makalimutan. Ang mga Doji kasi ay may kanya kanyang kwento din depende kung paano sila nabuo.
Look at this photo.
Click the photo to enlarge

Ang sagot...

Click photo to enlarge

Kung nasa Uptrend at biglang nag doji, pero ang doji na yun ay nasa category ng una jan sa picture, yung tipong they 'violently' push the price up sa huli, nagkaroon ng 'very very strong' push, nagkaroon ng very heavy buying ang mga bulls at naitulak sa open price hanggang sa closing. Magbibigay eto sayo ng hint na malayong mas malaki ang chance na hindi pa magrereverse kinaumagahan. Binigyan ka na nya ng hint na kinaumagahan ay lalaban ang bulls, so kung may position ka, you can still hold.
Look at this photo.
Click the photo to enlarge

Kung nasa uptrend ka parin at nag doji na nasa category 2 sa picture. Karamihan ang nangyayari ay bumabagsak na agad kinaumagahan. Yung galing sa taas at nagkaroon ng violent push pababa o very heavy selling hanggang sa closing kaya naitulak pababa hanggang sa closing price. Magkakaroon kana ng hint na bukas mas malaki yung chance na bababa na sya, Kasi nasa uptrend tayo, mabigat na signal yan na magretrace na, kung may position ka, you can sell na. Yan ang nangyayari sa mga examples na nasa taas. 



Kung nasa Downtrend naman at biglang nag doji, pero ang doji na yun ay nasa category ng pangalawa sa picture. Lumaban nga ang bulls at naiangat ang price pero nagkaroon ng violent push or very heavy selling, at naitulak pababa hanggang sa closing. Binigyan ka na nya ng hint na bukas pwedeng magkakaroon nanman ng heavy selling kaya para mameximize ang gain better mag-antay muna ng ibang SOR bago bumili.

Click the photo to enlarge
Same with the opposite kung nasa downtrend ka at opposite nyan ang nangyari, mas malakas na yung hint mo na magrereverse na sya.

Bakit ko pa pinapaliwanag tong mga to, why not just wait for the confirmation candle sabihin nyo siguro,haha pinapaliwanag ko to kasi ang main purpose natin ay to 'maximize' our gain and 'minimize' our loss. Hindi bat mas maganda kung mas mataas ang accuracy ng signal mo? :)


Naiconnect nyo ba kung bakit ko sinabi na ituring nyo ang gravestone at dragonfly doji jan? Kung oo, nakakasunod ka, kung hindi, tignan mo ulit yung concept ng dragonfly at gravestone doji :) 

Ang ibig sabihin naman ng four price doji ay nasa iisang price ang open,close,high low nya. Kadalasan nakikita ito sa mga illiquid or inactive stocks. Ibig sabihin yung mga hindi pansinin, minsan may araw, weeks, months pang walang trades. Nakakaakit sila minsan kasi bigla bigla nagiging top gainer sila, tapos bigla bigla makikita naman sila sa top loser. Kasi yung gap ng price ng bid(gustong bumili) at ask(gustong magbenta) ay napakalaki, kumbaga 1 board lot lang ang binili ay nasa top gainer na.
TAKE NOTE na sa mga illiquid stocks or inactive stocks ay USELESS ang mga SOR. Kung newbie ka iwasan mo ang mga ganitong klase ng stocks. 
Magpopost ako kung paano kikita sa kanila.
Click the photo to enlarge
Makikita din sila sa mga nalalarong stock na nagkaroon ng very strong/rapid interest ang mga buyers. Yung tipong ceiling price(highest price na pwedeng itrade sa isang trading day, 50%)  agad ang open hanggang closing. In this case ang ibig sabihin ay tataas pa kinaumagahan, siguradong tatalon yan kinaumagahan. 20-30% gain in 1day ayaw mo pa? Huag malito, ibang usapan kung yung mga inactive stocks ang nagganito.
Click the photo to enlarge
Ang WEB ay news driven na ngayon, mula noong sinabi ni President Duterte na ipapasara nya lahat ng online gaming sa Philippines, nagsibagsakan sila. Naisabay pa na nag-expire na ang license ni Philweb at uncertain kung irerenew o hindi. May konting good news lang tumataas ang price nya. Pero nangyari ang four price doji nung masyadong malakas ang good news, sinabi kasi ni President Duterte na pwede ang online gaming basta magbayad sila ng tamang tax. Bumagsak din dahil sa uncertainty ng renewal ng license nila.
Bakit ko to sinama dito? Para pag nagbrowse kayo ng mga dojis na SOR sa charts(past), magkaroon kayo ng idea para tanungin nyo ang sarili nyo, bakit kaya eto tumaas pa o bumaba pa? Ano kaya ang nangyari dito?

Maliwanag na ba ang mga doji?.......



HAMMER(bullish) vs HANGINGN MANG(bearish)

Magkasama ito kasi magkamukha sila na nakikita in different trends. They are reversal candlestick signals na merong long lower shadows at small bodies. Ibig sabihin ay nagkaroon ng heavy selling kaya bumaba ang price(pansinin nyo yung haba ng shadow nya sa baba) pero lumaban ang bulls(buyers) na itulak pataas untill closing. 



It doesnt matter whether these candles are green or red pero magkaiba ang effect nila kung saan sila makikita as shown sa photo.
Kapag makikita ito sa downtred, sya ay bullish at tinatawag na hammer, SOR sya na pwedeng magbago na ang trend at tataas na ang price. 

Sa opposite nman, kung makikita ito sa uptrend, sya ay bearish at tinatawag na hanging man, SOR sya na pwedeng magbago na ang trend at bababa na ang price.
Click the photo to enlarge
Importanteng keen observer kadin, observe the price pattern, nakakatulong sya sa desisyon mo sa timing ng entry at exit mo. Kung yung price pattern ng stock ay laging nagbabounce 'immediately' after the SOR candle, mas nagiging accurate sya kasi inaasahan na ng mga traders ng stock na yun na ganun ang effect nya after ng SOR candle. 




INVERTED HAMMER(bullish) vs SHOOTING STAR (bearish)

These two are reversal candlestick signal na opposite ng hammer and hanging man, nasa upper naman ang long shadow nila at my small body din. Ibig sabihin nagkaroon ng heavy buying ang mga bulls(buyers) para itulak ang price pataas, pansinin nyo yung long upper shadow nya. Pero naitulak din papababa ng bears(sellers). This is the reason kung bakit 'WEAKER' SOR sila kasi sa huli natalo ang bulls. Kaya better kung may confirmation candle para makita talaga kung successful reversal sila. Makikita nyo jan sa picture na binaliktad lang sya hammer at haning man. Pinagsama sama ko sila at pinagsunod para mas madali nyong intindihin at makita yung mga differences nila.




Again, like hammer and hanging man, it doesnt matter whether these candles are green or red pero magkaiba ang effect nila kung saan sila makikita as shown sa photo.
Kapag makikita ito sa downtred, sya ay bullish at tinatawag na inverted hammer, SOR sya na matatapos na ang downtrend at pwedeng tataas na ang price. 

Sa opposite nman, kung makikita ito sa uptrend, sya ay bearish at tinatawag shooting star, 
SOR sya na matatapos na ang uptrend at pwedeng bababa na ang price.


Click the photo to enlarge


Kung makikita mo ang candle na kamukha ng martilyo(hammer). Alam mo na agad na SOR yan! Nagdedepende lang kung nasa uptrend sya o downtrend, at kung nakaturo sya sa langit o sa lupa :) -hammer, hanging man, inverted hammer at shooting star. 


Maliwanag na ba ang mga martilyo shape candles? 




4 KINDS OF HARAMI:
HARAMI - is a japanese word that means pregnant.
Jan pa lang may idea ka na kung ano ang itsura ng SOR pattern na to. Ang buntis ay dalawa, yung mother at baby. Kaya may mother candle at baby candle. 
2 candle SOR pattern ito(mother and baby) 

Dito sa candles, habang lumiliit yung baby, lumalakas ang signal, kaya kung doji na ang baby ay mas lalong masmalakas sya na SOR.

Nagdedepende nanaman ito kung saan mo sila makikita. 
Bullish kung makikita sa downtrend at bearish kung makikita sa uptrend.

Click the photo to enlarge

Ang ibig sabihin ng harami SOR ay nagpakita na exhaution ang trend, after a big red or green candle(mother) was followed by a small candle(baby). 
Signal na pwedeng magbago ang trend.
Click the photo to enlarge


Kung ikaw ay momentum trader, dapat lagi mong kasama ang SOR candlestick patterns. 

Kaya kung biglang may lumabas na buntis shape sa uptrend or downtrend, alam mo na agad na SOR yan. 
- Bullish HARAMI, Bearish HARAMI, Bullish HARAMI CROSS, Bearish HARAMI CROSS 

Maliwanag na ba kung may nagform na buntis shape (2candles) sa uptrend or downtrend?




ENGULFING PATTERN
Engulf means something is completely covered. Kaya 2 candle SOR pattern nanaman ito.
Opposite ito ng harami, kung ang harami ay nakaharap sa kanan, eto naman ay nakaharap sa kaliwa :)
Mas maliit naman ang 1st candle compare sa 2nd candle.
Bearish kung makikita ito sa uptrend(2nd cadle should be red) 
at Bullish kung makikita sa downtrend(2nd candle should be green).


Click the photo to enlarge


Bullish ENGULFING pattern means that bulls have taken control. In a downward trend, after several red candles, biglang nagpakita ng stong interest ang mga bulls. This signals na pwedeng magkaroon ng reversal.
Kung less than 25% ang 1st candle compare sa 2nd candle at lalong lalo na kung walang shadow ang 2nd candle, napakalakas na SOR yan.

Click the photo to enlarge


Bearish ENGULFING pattern means that bears have taken control. In upward trend, after several green candles, nagpakita na ng heavy selling, lock in profit na or may badnews, etc etc, ayun nagbuhos at hindi kinaya ng bulls. 
Click the photo to enlarge

Kaya kung nakakita ka ng candle na sinakmal ng buo yung previous candle sa uptrend or downtrend, alam mo ng SOR yan. 

Maliwang na ba tayo dito?




PIERCING PATTERN(bullish) vs DARK CLOUD COVER(bearish)
Pinagsama ko sila para mas madali nyong mamemorize kasi magkamukha sila pero magka-opposite lang.


Click the photo to enlarge
PIERCING PATTERN(bullish)
Gap down means nag-open sya below the closing price ng previous candle.
In a 'downtrend', at nag gap down sa open price
This means na natalo nanaman ang bulls. Isipin mo sa pre open(9:00-9:30am) battle palang talo nanaman. Which is a very strong sign na continues ang pagbaba ng price.
'THEN' all of a sudden biglang nagreverse yun! Here comes the bulls!HEAVY BUYING! tinulak ng tinulak ang price at naiclose 'more than' 50% ng previous candle. This
shows a bullish SOR.
Cliick the photo to enlarge

DARK CLOUD COVER(bearish)
Opposite ito ng piercing pattern
Gap up means nag-open sya above the closing price ng previous candle.
In an 'uptrend', at nag gap-up ang price.
This means na panalo parin ang bulls, sa pre open(9:00-9:30am) battle palang panalo na sila. Which is very strong sign na continues ang pagtaas ng price.
'THEN' all of a sudden, here come the bears! HEAVY SELLING! pinaba ng pinababa ang price at naiclose 'more than' 50% ng previous candle. This shows a bearish SOR.
Nairita ka ba?haha opposite na opposite diba?
Click the photo to enlarge




BULLISH KICKER VS BEARISH KICKER
Eto ang huag na huag nyong mamimiss na SOR.
Dahil eto ang pinakaPOWERFUL na SOR. 
2 candle SOR pattern din to.
Click the photo to enlarge
Ibig sabihin nito, nagkaroon ng dramatic change that triggers the players to rapidly/violently buy(bullish kicker) or sell(bearish kicker). 

Kadalasan na trigger nito ay yung mga surprise news sa iasng stock.

Kung ganito naman ang makikita mo na itsura ng candle sa kicker pattern, super YUMMY! Malaki laki ang kikitain mo.


These two are the most bullish and bearish candle sa lahat ng candles, yung mga kalbo, walang shodow.

Sa green candle, this means na nasa complete control ang bulls, you can see sa picture na from openning price,hindi man lang nila pinababa, nagkaroon ng heavy buying at tinulak ng tinulak pataas hanngang sa closing.

Sa red candle, this means na nasa complete control ang bears, mula open price, hindi man lang nila pinataas, nagkaroon ng heavy selling pressure at talong talo ang bulls kaya bumagsak.

Maliwanag ba ang pinakamalakas na SOR pattern?.....




Yung ibang patterns pakonti konti na maipapaliwanag sa ibang ipopost ko. Madadaanan din natin tulad sa price patters etc etc.

Yung mga 3 candle pattern, hindi ko na sana isasama dito pero para makita nyo yung connections nila sa mga 1 and 2 candle SOR patterns ilalagay ko yung iba dito. 
Click the photo to enlarge
For me same lang ito sa 1 candle or 2 candle patterns.
Why? kasi parehas lang sila ng concept, napag-aralan natin na kapag nakakita ka ng doji sa uptrend or downtrend ay SOR yun right? Ang differece dito sa 3 candle pattern kasama ang confirmation candle.
Same with evening star, my konting body lang. 

Lahat ng nabilugan jan signifies na sa isang trend nagkaroon ng major change ang labanan ng mga buyers at seller that hints you na magbabago ang trend. 

Yung mga iba pang 3 candle patterns hindi advisable kaya hindi ko na sinama dito. 


Balik tayo sa tanong kung bakit natin pinag-aralan SOR patterns:
"SAAN AKO BIBILI(entry)?"
"SAAN AKO MAGBEBENTA(exit)?"
"KUNG FAILED SOR AT NAKAPASOK AKO, SAAN ANG CUT LOSS KO?"
Strategy 1:
-Enter few ticks above the SOR candle. 
This means na kung may nakita kang SOR ay bibili ka kinaumagahan kung tataasan nya ang closing price ng SOR candle. Dahil nagcoconfirm na daw ito na nanalo na ang bulls.
-Cut loss few ticks below the SOR candle.
Few ticks means at least 2-4 ticks, magkakaiba kasi, kung ang price is 1pesos, ang 4 ticks ay 4% na. Ang 4 ticks na tag .02 ng 20pesos ay wala pang 1%.
Lets go to actual trading.
Click the photo to enlarge
Ang importante dito maski anong klaseng candle ang sumunod sa SOR basta dumaan a few ticks above or below sa close price ng SOR candle, buy or sell agad! Gets?

Strategy number 2:
-Wait fot the confirmation candle
Yung iba ang ibig sabihin ng confirmation candle ay ang strategy 1 at bumili kinaumagahan few ticks above the closing price ng SOR. 

Para naman sa iba, ang confirmation candle ay dapat mabuo muna yung candle para mas makita talaga na magbabago ang trend. 
Ganito ang ginagawa nila sa same example para mas malinaw.
Click the photo to enlage
So para sa inyo? Ano ang mas maganda? Kung ako naman ang tatanungin nyo, ang sagot ko, "depende kung ano ang kwento ng ibang indicators."
Hindi ko i-specific ngayon kung ano ang mas maganda sa kanila kasi nasa candlestick SOR palang tayo, mas makakapagdecide ka kung maiintindihan mo yung iba pang indicators na 'aayon' sa kanya para alam mo kung saan ka dapat bibili o magbebenta to maximize your gain. Dahil tataas ang accuracy na talagang magbabago ang trend kung aayon sya sa ibang indicators.

Kung nakulangan kayo sa entry at exit, PM me at dagdagan ko.


Take note: 
1. Ulitin ko lang na ang Sign Of Reversal pattern ay mga "WARNING/ CAUTION/ SIGNAL/ SIGN" na magrereverse ang isang trend. Kung nakakita ka ng raod warning sign na ganito habang nagdradrive ka.
Ibig bang sabihin na mababagsakan ka agad pag tumuloy ka?
Bakit ko ine-emphasize ito? Para maintindihan nyo na pag lumabas ang mga SOR pattern sa mga trends ay hindi naman ibig sabihin na automatic/siguradong magbabago na ang trend, dahil maraming factors ang nagaaffect sa price. Ang importante ay nagiging aware ka na kasi my nagwawarning na sayo. 
Katulad ng sinabi ko, nagiging mas accurate sila kung aayon sila sa ibang warning/signals(indicators) na isa isahin natin pag-aralan.
2. Hindi naman kailangan na perfect form yung SOR candle/s o pattern, kaya ko pinapaliwanag ng maigi kung ano ang ibig sabihin nila.
For example sa hammer, diba may small body sya at long lower shadow? It doesnt mean na wala na syang upper shadow, basta kitang kita na mahaba ang lower shadow nya at may small body kahit meron syang 'maliit' na upper shadow, hammer parin sya. 
3. Ito ang pinakaimportante. Kung my SOR kang nakita sa uptrend or downtrend, ask yourself,
Bakit sya nag SOR?Exhaustion? May good news? May Bad news? Lock in profit lang?Bakit kaya? My bumulusok na buyers,bakit kaya? etc etc Ang importante dito is kailangan mong maintindihan kung bakit sya nagpakita ng SOR. Lamang ka kung naiintindihan mo ang market.


Napagod ba kayo? Mahirap ba? Kaya pa ba?haha Konti palang yan, maraming marami pa....
I think ginawa ko yung best ko para maintindihan nyo ang mga post ko sa PINAKAMADALING WAY. 
Hopefully maapreciate nyo.

Thursday, September 15, 2016

PART 3: FUNDAMENTAL ANALYSIS(FA) and TECHNICAL ANALYSIS(TA)


Basics of FA and TA

These two are the life of trading, dito lahat nagbabase ang mga traders, both of them try to forecast or predict future price action/trend.
In basic terms technical analysis is based on charts and 
fundamental analysis is based in financial statement of the company.

Fundamental Analysis (FA) - is a strategy where investors determine the value of a company through their financial statement(Balance Sheet, Cash Flow Statement at Income Statement) to forecast its future price/trend. Napaka broad neto kasi kasama na dito lahat ng mga bagay na merong effect sa company's present and futute business/financial statement.

Dito nagfofocus specially ang mga long term investors, tinitignan nila kung maganda at malakas ang financial statement nila even after 5,10, 20 or even 30years, considering the kind of products, tatangkilikin pa kaya yan after how many years? kumusta ang business performance? lumalakas ba ang income statement nila? may mga expansion ba sila? my mga bagong projects ba? ano ang ginagawa nila para matapatan ang mga competitors nila etc. Sa madaling sabi, kilalanin mong maigi ang company bago mo bilhin.
Ang mga short term investors naman, tinitignan nila ang mga news na merong immediate effect sa company. 

Please click the link below para makita nyo ang Company Information, Financial Reports, Company disclosure etc ng mga pag-iinvestan nyo

http://edge.pse.com.ph/companyPage/stockData.do?cmpy_id=29&security_id=146

Dito naman makikita ang mga disclosures at listing notices na lumalabas daily.

http://edge.pse.com.ph/

Kung daytrader ka o short term trader, napakahalagang updated ka sa mga news, kasi maraming news na may immediate effect sa price ng isang stock.
One example na alam ng lahat ay nung sinabi ni President Duterte na ipapasara nya ang online gaming dito sa Philippines, ang effect neto ay IMMEDIATE, kinaumagahan ng mismong araw ng paglabas ng news, sa openning palang ng market bumagsak lahat ng stocks na related sa mga online gaming. Alam mo ng iwasan mo sila at bantayan kung kelang marereverse naman ang news na yun dahil siguradong malaki ang kikitain mo once na nakapasok ka sa reversal ng badnews. 

Kung fulltime trader ka dapat daily before the market will open, during trading and after trading hours, you should always visit pse edge site para sa mga biglang lumalabas na news, nasa taas ang link ng pse edge. 
It is better din kung gawin mong regular ang pagvisit sa mga news site about business, wala ka gaanong time?silipin mo lang, sa business lang naman ang tinitignan natin. So click business lang at makikita mo naman sa title plang ng news kung related sa stock market or sa specific na hawak mo o nasa watchlist mo na stock. www.inquirer.net, www.mb.com.ph, www.philstar.com, www.businessmirror.com.ph, www.bworldonline.com, www.rappler.com, etc Mapupuno ito if I will name them all pero hindi ko naman sinasabi na ivisit mo lahat ang mga site na yan, mejo dinamihan ko lang kasi hindi pareparehas ang time ng paglabas nila ng news. 

For example nagkaroon ng rapid change sa price ng isang stock, pwedeng biglang tumaas o bumaba, bakit kaya? Bka naman nasa Fundamentals, nilabas ang quarterly report, massive increase/ decrease ang income, my bagong project, expansion ng business, bagong business partner, idedelist na etc etc andami ng mga yan. 

Ang mga big players, kabisado nila ang market psychology, may makita lang silang gawing catalyst nila, grinagrab nila yan. Kung alam mo yung news na dahilan ng pagtaas o pagbagsak, at least mababalanse mo kung pwede ka pang bumili o magbenta na sa stock na yun.

Learn how to deal with the news, it doesnt mean na everytime na may good news ay bibili ka na or the opposite.
May good news sa isang stock na hindi naman tumaas ang price, may bad news naman na hindi naman bumaba ang price. May mga good news na linalabas para makapang-akit ng mga buyers para maraming sasalo sa ibebenta nila.
Kaya HINDI pwede na magtrade ka na nagbabase 'ONLY' sa news.
Nanjan sila na napakaimportanteng 'REFERENCE' mo kung ano ang nangyayari sa isang stock. For example, biglang may bumagsak na stock, ilang days ng bumababa ang price, anong kayang nangyari? other indicators are telling you its a buy already. Hindi bat mas maganda kung aware ka kung ano ang nangyayari? Bibigyan ka nya ng hint kung bibili ka na o hindi pa.

Marami kasi ako nakikitang nagpopost sa group na pinapakita ang technical analysis nila na pwede ng sumalo o hold parin etc which is tama naman base sa technical analysis 'only'. Ang hindi nila alam may news pala na nagtritrigger sa price movement.
Dito mo mababalanse kung bibili ka o magbebenta kana.

In summary, kung bumaba o tumaas ang price, ang unang tanungin mo sa sarili mo ay "BAKIT?"


Tinacle ko lang ng konti ang importance ng Fundamentals lalo ang mga news pero lets focus sa technical analysis, kasi karamihan satin ay daytraders and short term traders.

Technical Analysis (TA) - is a trading tool na inaalize ang market action by using 'charts and incdicators' para maforecast/mapredict ang future price trends base sa present and past price action. 
Pinag-aaralan dito ang supply and demand, past and present trading datas and infos ng stock para maforecast kung saan direction pupunta ang price/trend. 

Dito magfofocus ang blog na to.

Chart and Indicators:
Lahat ng brokers ay my sariling chart at indicators. Kung wala ka pang account, meron free charting sites na maganda like  investagrams.com, staging.pse-tools.info, Investing.com etc

Click the link below:
https://www.investagrams.com/Account/Tools/Application/Chart

Click the link below:
http://www.staging.pse-tools.info/



Marami din nakakaalam sa investing.com pero bibihira ang nakakaalam sa kaya nyang gawin specially sa chart :) Maganda sya for study purposes. Hindi kasi sya real time, mejo malaki ang delay nya.

10 seconds lang sana itong instruction na to kung sa video ko gawin pero dito na lang, hindi kasi sya mailink sa mismong chart.

1. Please click the link

http://www.investing.com/

2. Kung nasa investing.com site na kayo point your mouse sa 'Charts' and click 'Stock Charts'
click the photo to enlarge

3. Click 'full screen mode'(encircled)
click the photo to enlarge
4. the chart will open in all exchanges kaya dapat naka select ang Philippines. magtype ka ng stock symbol/code natin at antyin na lumabas yung nabilugan then select Philippines
click the photo to enlarge

Please click the link for Philippine stock symbols.

http://edge.pse.com.ph/companyDirectory/form.do


5. Meron silang 5mins - 1month chart

click the photo to enlarge

6. Makikita mo pa ang ex-dividend date/payment date at my signal pa using candlestick trading
click the photo to enlarge


7. pwede mo pang palitan ang lay-out mo depende sa size ng monitor/screen mo at pag-aaralan mo
click the photo to enlarge

I make it very simple para maintindihan ng lahat.

Try to explore yung mga charting sites na nasabi ko, masyado ng mahaba kung isa isahin ko pa lahat, ang konti ng icli-click jan, hindi naman sasabog yan :)
Dont be scared kasi hindi lahat ng nanjan ay magagamit mo to become a successfull trader. 

Kung mag-oopen ka ng account mo like ColFinancial, Philstocks, Timson Sec etc etc meron din silang sariling Charting Tools.







PART 2: REASONS WHY TRADERS LOSE MONEY IN THE STOCK MARKET

First and foremost let's be honest with each other, ang statistics ng nagtretrade sa stock market ay 90% ang nalulugi, 10% lang ang kumikita. Nagulat ba kayo? Atras na ba?haha
Sa 90% ay composed of newbies, matagal na sa market, professionals, mga gumagamit naman ng Technical at Fundamental Analysis etc etc. Hindi ko kayo tinatakot, totoo yan! 
PERO kung nasa 10% ka na nag gegain, ano pang klaseng source of income ang hahanapin mo? Kung may gusto kang bilhin, sabihin mo sa sarili mo "isang trade lang yan!",haha nagyabang  pero no joke!

Here are some 'common' reasons kung bakit 90% ang nalulugi sa stock market
1. dahil sa hindi nila naiintidihan ang market
2. dahil sa kawalan ng strategy/trading plan/trading style/sytem
3. walang descipline
3. walang trading plan na maganda
4. misinterpretation sa mga basis nila

Yan ang reasons why traders are;
-trading by hula,insticnt
-trading base sa hype or tips without doing enough research
-bili ng bili/salo ng salo/habol ng habol sa pagaakalang tataas pa na wala namang basis
-hinohold ang loss kahit kitang kitang pabagsak na dahil sa pag-asang magbabounce
-too much greed, ayaw pa ibenta ayan pera na naging bato pa
-hindi kinikilala kung ano ang binibili
-paulit ulit sa parehas na pagkakamali, learn from your mistakes
-my basis pero mali ang interpretation
etc alam kong marami pa kayong maidadagdag jan base sa experince nyo
May nakakarelate ba? :D

This blog will help you para mapasama ka sa 10% na naggegain.

Yes, stock market is very unpredictable, walang 100% certain jan, walang strategy na nagwowork 100% accurately, but there are many strategies to maximize your gains and minimize your losses. Ang dami nagtatanong, paano ko ginagawa yung mga trades ko?
Paano ko nalalaman na tataas? Parang andaling sagutin/sabihin pero ang sagot jan ay hindi kasya sa iisang explainan lang dahil combination yan ng maraming basehan.
Kung wala akong hard work by studying hard, analyzing everything that is given para maging deeper yung pag-intindi ko sa mga trades ko, back in the days na nagaaral palang ako magtrade, masasabi ko ang hirap, mentally, emotionally at physically, misan nga parang nababaliw na ako sa kakaisip,haha Nung nagstart ako I admit, nalulugi ako, nawhiwhipsaw din, walang trader sa stock market all win lahat ng trades, napaka imposible yan, lahat tayo nagdaan sa pagka newbie. Pero nagpursige ako.

You really need to work hard/study hard para maging successful sa isang bagay. I learned how to maximize my gains and minimize my loss, I even learned some strategies that gives me the highest accuracy in winning my trades.

May kasabihan ung madali mong makuha madali rin na mawala - newbie luck daw :) Pero nandito ang blog na to para ituro lahat ng nalalaman ko even sa mga strategies na hindi nyo makikita sa books para hindi nyo na pagdaanan ang mga hirap na pinagdaanan ko. I will be boasful kung sasabihin ko ang ratio ng trades ko, ang masasabi ko lang nagbunga ang pagpupursige ko.


Wednesday, September 14, 2016

PART 1: HOW TO INVEST AND EARN MONEY IN THE PHILIPPINE STOCK MARKET


Philippine Stock Exchange
Good News! You can trade anywhere you are! You can use your cellphone, tablet, laptop, pc etc, any gadget basta makakonect ka sa internet, pwede ka ng magtrade.

HOW TO INVEST AND EARN MONEY IN THE PHILIPPINE STOCK MARKET

Stock Market -  eto ang market kung saan pwede mong i-trade(buy and sell) ang shares of stock(represents ownership of a company) ng mga publicly listed companies, ang publicly listed companies are traded in;

Philippine Stock Exchange (PSE) -  sila ang nagaapprove ng mga companies na gustong magkaroon ng public investors(tayong public traders), they screen them kung pwede itrade in public or not, they aim to provide and hold a fair, efficient,
effective and peaceful market for buying and selling of stocks, warrants, and other securities in the Philippines, and they only transact trades through;


Brokers - is a individual o firm kung saan pwede tayong bumili at magbenta ng shares of stock ng mga publicly listed companies sa PSE, kapalit nito, meron silang commission in every trade we make.
It means that you can only trade sa stock market through brokers, kaya mag-open ka muna ng account mo sa kanila.

Click the link below for brokers:

http://www.pse.com.ph/stockMarket/tradingParticipants.html?tab=0

Very simple at commonsense ang instruction nila para makaopen ka ng account, nasa site nila lahat ng instructions, you can even call them for faster transaction. Sa mga groups ang karamihan na ginagamit ay COLFinancial, Philstocks, First Metro Securities at Timson Securities.

Click the link below for PSE official website:
http://www.pse.com.ph/

Philippine Stock Exchange Index (PSEI) - is an index composed of '30 companies' that shows the movement of the market as a whole. Nasa kanila ang major effect as a whole ng market dahil malalaki sila, mga bigatin o mga blue chips. 

Criteria para mapasali sa PSEI
1. The company’s free float level must be at least 12%.
2. The company must rank among the top 25% in terms of median daily value in nine out of the twelve-month period in review.
3. Ranking of TOP 30 qualified companies based on full market capitalization.


Kung may nabasa kang news na sinabing 'bumagsak ang market today' o 'tumaas ang market today', that means the PSEI na composed of 30 companies.
Click the photo to enlarge
Click the link below kung gusto nyo makita kung anong companies ang kasali sa PSEI;
http://www.pse.com.ph/stockMarket/marketInfo-marketActivity.html?tab=1

Click the link below for the publicly listed companies sa PSE where you can invest, nanjan na din ang mga informations nila;
http://edge.pse.com.ph/companyDirectory/form.do

2 WAYS TO EARN MONEY IN THE STOCK MARKET

1. Capital Gains - eto ung kita mo sa pagbili ng stock sa mas mababang presyo at pagbenta ng mas mataas
2. Dividends - is a distribution of a portion of a company's earnings, share mo ito sa income ng company, dinidesisyonan ito ng mga Board of Directors ng company pra idestribute sa mga shareholders.


Sa blog na to magfofocus tayo sa #1, how to buy low and sell high, or buy high and sell higher. And let's make it simple, most common problem I see sa mga traders is my basis nga sila pero mali ang interpretation nila and they make trading very complicated, habang nagiging komplikado yan, mas lalong humihirap.

Whether you want to become a day trader, short term/swing trader, medium term trader or long term trader, you should be aware sa mga factors kung bakit bumababa o tumataas ang price ng isang stock dahil ng reality sa stock market ay nagpapasahan lang tayong mga traders ng pera. Sino ang pinagbilhan mo? Sino ang bibili ng binenta mo? Yung binenta mo sino ang bibili sa kanya? Repeat the cycle. Tayo tayong mga traders din.
Kapag naapprove ng PSE at nag-issue ang isang company ng shares for public investors, yun ang pagpapasapasahan natin na traders. In 1 trading day, kung mas marami/mas malaki ang kayang bilhin ng buyers(bulls) compare sa ibebenta ng sellers(bears) sa isang araw, talagang tataas ang price. Sa kabaliktaran naman ay bababa. 
We(buyers and sellers) make the price move.
Yung pagtaas at pagbaba ng price ay evidence na kapag my nag gegain, meron din nagloloss. Dahil maraming factors kung bakit nagbebenta at bumibili ang mga traders.

It is impossible sa isang traded stock na walang magloloss, if thats the case, dapat non-stop na continues ang pagtaas ng price pra masabing walang nalulugi which is impossible.
Having that said, instead of asking what are the factors that makes the price go up or go down, its better to ask, what are the basis that triggers the majority(specially big players) to buy and the sellers to sell?
Answer is
TECHNICAL ANALYSIS and  FUNDAMENTAL ANALYIS. Eto ang pag-aaralan natin dito.

Stock market is a "battle between buyers and sellers", retail traders vs retail traders vs institutions, paano ka mananalo? 
Marami din stocks jan na tumataas na purely manipulated lang. Dapat you are fully equipped bago sumabak, para maintindihan mo sila, lamang na lamang ka kung naiintindihan mo ang market psychology at nababasa mo ang galaw ng kalaban mo.

May mga strategies na napakataas ang accuracy basta alam mong gamitin. 
Isa isahin natin hanggang sa maintindihan nyo lahat......